Mga Batang Nagsasalo sa Mumunting Pagkain Habang Nasa Lansangan,Umantig sa Puso ng mga Netizen.

Maswerte ang mga kabataang lumaki na may marangyang buhay, hindi nila naranasan ang maging isang kahig isang tuka na uri ng pamumuhay, kaya karamihan hindi rin nila alam kung paano pahalagahan ang bawat pagkain o anumang bagay na kanilang natatanggap.

Totoo pala ang pangaral sa atin ng ating mga magulang, na “wag magsayang ng pagkain dahil maraming bata ang nagugutom”. Kaya dapat daw ipagpasalamat ang ano mang biyayang ating natatanggap dahil marami ang hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Kung ating iisipin, paano kaya nabubuhay ang mga batang lansangan na dumidependi lamang sa kanilang malilimos upang may panglaman ang kanilang tiyan?

Kaya may isang larawan na ibinahagi ng isang netizen sa kanyang facebook account na umantig sa puso ng mga netizens.

Sa larawan makikita na nagbabahaginan ang dalawang batang lansangan ng pagkaing nasa styro habang kumakain sa tapat ng sikat na fastfood, sa Maasin City daw ang lugar na ito, at makikitang may tambol sila sa gilid, na umanoy ginagamit nila tuwing namamalimos.

Di naman nakita kung may mga magulang pa ang dalawang batang ito, kung sila nga ba ay magkapatid at kung saan ang kanilang lugar na pinagmulan.

Sa murang edad ng dalawa ay natuto na silang magkayod sa pamamagitan ng panlilimos para lang may makain kahit na sobrang delikado ang lansangan sa kanilang edad.

Inulan naman ng komento ang naturang post ng netizen na ito tulad ng:

“Swerte pako kesa sa kanila pero complain ako ng complain sa buhay ko.”

“Sana naman matulungan sila at ang iba pang mga katulad nila.Mabigyan ng magandang edukasyon at mapaunlad pa ang sarili nila.”

Sa ngayon marami ang nag share ng kanilang larawan at sana ay mapansin ng mga may busilak na puso.

Loading...