Mariel at Robin Padilla,Pinaghandaan ng Masasarap na Pagkain ang kanilang mga Kasambahay bilang pagbati sa kanila noong Mother’s Day.

Sa lahat ng mga nanay, mga tatay na nagpaka nanay, mga single mother, ang ikalawang linggo ng Mayo ay inilaan para sa kanila, upang bigyang pugay ang kanilang mga sakripisyo, walang sawang pagmamahal at pag-aruga ,kaya deserve nilang e celebrate ang araw ng mga Ina.

Bilang isang Ina na rin, Si Mariel Rodriguez Padilla, kilalang host, ay ipinagdiwang din ang araw na ito at ito ay mahalaga para sa kanya.

Ayon kay Mariel, ” To me Mother’s Day is most important. Iba ang hirap at saya ng pagiging Ina. I wanted all the moms in our household to feel that they should and deserve to be honored. Salamat dahil nanay nanayan din kayo ni Isabella.”

Kaya bilang pagpugay sa lahat ng mga nanay sa kanyang tahanan, ipinagdiwang niya ito na lahat sila (kasambahay) ay kasali dito.

Sa mga post ni Mariel, makikita ang daming handa na pagkain para sa kanyang mga kasambahay, binigyan din niya ng panahong magsaya ang mga ito, kaya’t nagswimming sila at nag bonding.

” My other mommies at home! we celebrated Mother’s Day all together,isn’t so amazing and so meaningful to give importance to our household mommies who are also giving their time to help my Mommy and Daddy to take care and be with me when they are at work?”. saad pa ni Mariel.

Napaka gaan sa loob na ganito pala tratuhin ni Mariel ang kanyang mga kasambahay, na parang bahagi na rin ng kanyang pamilya.

“I love you all, I Appreciate so so much and i hope you all love the flowers! Happy Mother’s Day”. Pahayag pa ni Mariel.

Loading...