Malaking Pilat sa Mukha, ang Naging Kapalit sa Pagsira ng Babaeng Ito sa Relasyon ng Pinsan niya at Nobyo nito.

Inimbitahan si Charmie sa kaarawan ng pinsan nyang si Jazzy, ayaw sana nyang pumunta dahil tinatamad ito at may marami pa daw na gagawin, kaso ay nakapangako na siya sa kanyang pinsan, ayaw naman niyang magkasamaan sila ng loob kaya nagbihis ito at tumungo na rin sa venue ng party nito. Ngunit biglang naging masaya si Charmie dahil sa kanyang pagpunta nakilala niya ang mestisong si Henry, ang n0byo ng pinsan niyang si Jazzy. Biglang nagkagusto si Charmie sa kay Henry at sabi nito sa sarili, handa siyang gawin ang lahat makuha niya lang ang lalaki kahit kapalit nito ay ang pagkasira ng relasyon nilang magpinsan.

Binaba ni Charmie ang kanyang blouse para makita ng lalaki ang kanyang malulusog na dibdib, itinaas din niya ang kanyang suot na maikling palda para ipakita ang makikinis niyang mga hita, pero hindi pa rin siya pinansin ni Henry. Nung hindi umubra ang kanyang alindog, ay mas naging agresibo ito at niyaya ang lalaking sumayaw. Ipinagsiksikan niya ang kanyang sarili kay Henry at bahagyang dinidikit nito ang kanyang katawan, bahagya siyang itinulak ng lalaki papalayo, sabay sabi ni Henry,” Isang tao lang ang laman ng puso ko at matapat ako sa pinsan mo, wag mo sanang sirain ang kung anong mayroon kayo ng pinsan mo”.

Sa buong buhay ni Charmie ay ngayon lang siya tinanggihan ng lalaki, ano ba ang binatbat ng pinsan niyang si Jazzy na ubod ng konserbatibo at walang karanasan sa pagpapaligaya sa mga lalaki. Palalampasin niya ang pagtanggi ni Henry sa ngayon , dahil baka natakot pa daw ito,pa saan pa at mahuhulog din si Henry sa kanyang mga palad.

Sinusundan ni Charmie ang lahat ng lakad ni Henry, bigla na lang siyang sumusulpot kahit sa mga bar para ma akit ang lalaki, na try na din niyang lagyan ng dr0ga ang inumin ni Henry ng iwan niya ito para mag c.r. ngunit sa kasamaang palad hindi ito ininom ni Henry.

Dahil sa walang makuha si Charmie kay Henry, ang pinsan naman niyang si Jazzy ang kanyang binalingan, siniraan si Henry sa kanyang pinsan.

“Totoo, mismong dalawang mata ko ang nakakita na may kahalikan si Henry sa Bar”.

Para paniwalaan siya ng pinsan, ay naghalungkat pa ito ng litratong kahawig ni Henry na may kahalikang babae sa bar, at kunwari nakunan ito ng kanyang cellphone.Naniwala naman si Jazzy sa kanyang pinsan , kaya nakipaghiwalay ito kaagad kay Henry, sa pag-aakalang pinagtataksilan ito.

Ilang araw ang nakalipas ng maghiwalay sina Jazzy at Henry ay binisita ni Charmie si Henry sa restawran na pagmamay-ari ni Henry. Nadatnan niyang nag iinspeksyon si Henry sa kanyang mga tauhan a kusina. Tinakot pa ni Charmie na sisirain nito ang kanyang pangalan at reputasyon kung hindi ito papayag na makipag-relasyon sa kanya. Hindi natakot si Henry sa kanyang mga pinagsasabi, kaya nagalit ito at gumawa ng eskandalo sa harap ng mga empleyado ni Henry.

“Sinira mo ang relasyon naming magpinsan dahil a iyo, matapos kung ibigay ang sarili ko sa iyo, iiwanan mo lang ako na parang basura?, paano na yung ipinagbubuntis ko?Pinagbabato pa ni Charmi si Henry sa kung ano ang maabot ng kanyang kamay.Maraming nabasag na pinggan at baso sa kanyang pagwawala hanggang natabig niya ang bote ng mantika sa kanyang likuran kaya’t nung humakbang siyang paatras ay nadulas ito.

” Tulong, ang mukha ko! Tulungan niyo ko! Tumama ang mukha ni Charmie sa nakabukas na ihawan at nasunog ang kalahati ng kaniyang mukha. Agad namang tinulungan ni Henry at ng mga tauhan niya upang madala ito sa malapit na hospital.

Tumungo agad si Jazzy sa ospital ng malaman niya ang nangyari, pero nagulat siya ng madatnan niya ang kanyang pinsan habang ginagamot ng isang babaeng doktor. Ang nasabing doktor ay yung kahalikan ni Henry sa litratong pinadala ni Charmie sa kaniya. Susugurin na sana niya ang doktor ng biglang lumabas si Henry kasama ang isa pang doktor na kahawig ni Henry.” Wife, may naka schedule pa akong operasyon mamaya kaya baka late akong makauwi” bati ng doktor na kahawig ni Henry.

Kaya dun natuklasan ni Jazzy ang kasinungalingang ginawa ni Charmie, ipinagtapat din ni Henry ang mga pang-aakit na ginawa ni Charmie sa kanya.

” Hindi ko sinabi sa iyo dahil ayaw kung masira ang relasyon nyong magpinsan, hindi ko rin alam na sisiraan niya ako sa iyo, paliwanag ni Henry kay Jazzy.

Nagtagumpay sa una si charmie na sirain sila, pero hindi nagtagal at nagkabalikan din sila ng malaman ni Jazzy ang buong katotohanan. Si Charmie naman ay nawalan ng pinsang nagmamahal sa kanya,ang malaking peklat sa kanyang mukha ang siyang di mawawalang ala-ala ng kanyang kasamaang ginawa.

Loading...