‘Mahiwagang balde’ na Umaapaw ng Relief Goods, Linggo2 Ipinamimigay sa isang Brgy. sa Maynila.

Para hindi makalabas ang mga residente, obligasyon ng bawat lokal na pamahalaan na magbigay ng ayuda sa kanyang nasasakupan, umabot sa 3rd wave yung pamimigay ng ayuda simula ng ipatupad ang ECQ.

Pero kakaiba ang bigayan sa Brgy.362, Zone 36 ng Sta. Cruz, Maynila, linggo-linggo ay may natatanggap na timba o tinatawag nilang “Mahiwagang Balde” ang lahat ng residente doon.

Talagang literal na mapapa sana-all ang makakabasa nito, Bawat timba kasi ay naglalaman ng 10 kilong bigas, tinapay, itlog, mga delatang pagkain, sariwang isda, karne, gatas, noodles, spaghetti sauce, biskwit, face mask, at maging pagkain ng aso.

Bukod pa rito, araw-araw din namimigay ng meryenda o agahan ang mga opisyales ng lugar.

Ang nakamamanghang ideya, galing mismo sa punong barangay na si Anne Christine Abella.

Kuwento ng 33-anyos na kapitan, ginagawa nila ito para masiguradong hindi na lalabas ng kani-kanilang bahay ang mga tao at maging ligtas ang komunidad sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“I also want our people to receive the kind of aid that they would be happy to receive. I like to put myself in their position and I often ask myself, ‘If I will be the one who will be receiving the aid, what do I want to receive? What will I feel if I receive this kind of package?’ It may not be very lavish but at least it’s enough to convince them that they don’t need to go out during the lockdown,” pahayag ni Abella.

Bago pa raw ipatupad ang enhanced community quarantine, namamahagi na ang barangay ng vitamins, face shields, gloves, at bleach.

Labis naman ang pasasalamat ni Abella sa lahat ng umagapay sa kaniya upang maging posible at consistent ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

“Minsan niyo lang ako sasandalan di ko sasayangin ang pagmamahal at tiwala niyo po sakin. Iisang pamilya tayo dito,” saad ng lider.

Loading...