Mabait Na Boss, Namimigay Ng Dalawang Bahay Taon- Taon Bilang Bonus.

Ang sekreto daw ng paglago ng isang negosyo ay kung paano mo pinahahalagahan ang iyong mga tao.

Mahalin mo daw sila dahil mamahalin din nila ang kompanya mo. Sa panahon ngayon na mas mataas ang bilang ng walang mga trabaho kaya tinatanggap na nila kung ano yung mga trabaho na ino-offer sa kanila na hindi muna inaalam kung anong klaseng Bosses mayroon sila.

Maswerte talaga kapag nagkaroon ka ng mabait na boss at may malaking sahod pa sa kompanya, lalo na kapag may binibigay pang instant na bahay kada taon.

Trending kamakailan sa social media ang isang Boss na namimigay di umano ng bahay kada taon. Itong bahay na binibigay nya ay libre at wala kang kahit ilang singko na babayaran.

Siya si Zhongming Yu, may-ari at Chairman ng Anyu Industry Co Ltd na matatagpuan sa Guangdong China.

Masasabing itinuturing siya ng kanyang mga tao bilang BEST BOSS OF ALL TIME dahil sa kanyang kabaitan at pagiging matulungin sa kanyang manggagawa.

Ang pamimigay niya ng libreng dalawang bahay taon taon sa mga mahihirap na empleyado ay ilan lamang sa mga kabaitang taglay ng boss na ito.

Bukod diyan ay binibigyan niya din daw ng trabaho ang bawat pamilya ng kanyang tao upang umunlad ang kanilang pamumuhay.

Ang pananaw nya ay kung bibigyan mo na sapat at pangunahing pangangailangan ang iyong mga tao ay magreresulta ito ng maayos at mabilis na trabaho na makakatulong din sa pagunlad ng isang kompanya.

Ang kanyang kompanya ay nagsimula noong 2015 at talaga namang paunlad ng paunlad hanggang ngayon.

Kaya mapapa “SANA ALL” nalang tayo baka mabasa pa ito ng mga boss niyo.
.

Loading...