Look: Larawan ni Zia na naka Darna Costume,Umani ng Papuri, Siya na ba ang Susunod na Darna?

Siya na nga ba ang susunod na Darna sa kanyang henerasyon? Talagang napa cute, talented at bibong bata itong si Zia na anak ng Kapuso Royalty na si Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Naaliw ang mga netizen sa litratong ibinahagi ni Marian sa kanyang instagram, pinasuotan niya si Zia ng costume ni Darna, isa sa mga kilalang Pinoy Superhero.

Si Marian ay isa sa mga artistang nagbigay buhay sa role na Darna noong taong 2009.

Ibinahagi naman ito ni Mommy Marian sa kanyang instagram account at umani ng 600,000 likes as of writing.

Sinabi pa ni Marian sa kanyang post:

“May pa early Mother’s day pakulo itong si Ate Zia! Familiar ba ang mga look?” sabi niya.

Kahit na ang aktres na si Angel Locsin, who played Darna in 2005, ay na impressed din.

“Cutie! Mukhang may susunod na Darna ah!”

Sa murang edad ni Zia ay marami ng humahanga sa kanyang angking ganda, malayo anya ang mararating ng bata, at napaka swerte daw ng mga magulang nito. Marami ang nagpapakita ng pagmamahal kay Zia at suporta bilang kanyang mga fans.

Loading...