Libo-Libong Perang Papel,Inanay dahil sa Pinagtaguang Alkansya.

Sa panahon ngayon ang bilis maubos ng pera, yung kakabayad mo lang ng isang libo,wala na kaagad. Kaya ang pagtitipid at wastong pagbu-budget ay kinakailangan.

Naging uso naman ngayon ang tinatawag nilang”Ipon Challenge” yung dapat may target o goal kang maabot ng pera mo pagkatapos ng taon.

Mayroon ring binebentang mga alkansya na may mga label ng ipon plan mo, at markahan ang mga ito kapag nahulog mo ng wasto.

Ngunit mas mahilig pa rin ang iba na mag-ipon gamit ang nalakihang mga alkansya tulad ng bote ng polbo, mga magagandang hugis ng lata at ang pinakasikat na kawayang alkansya.

Pero, may babala ang isang netizen tungkol sa paggamit ng kawayan na alkansya, isang post mula sa Facebook page na walwal kung saan makikita mo ang litrato ng mga naipong papel na pera mula sa kawayang alkansya na may mga punit o kinain ng anay, ayon pa sa caption ng litarto ” Huwag maglagay ng perang papel sa Bamboo Alkansya,Coins lang para di anayin”

Makikita sa mga larawan ang mga puni-punit na 1000, 50, at 100 na perang papel na kinain ng anay.

Nakakapanghinayang at nakakaawa naman ang may ari nito dahil hindi nya nagamit ang perang inipon para sa kung ano mang gusto nyang bilhin dito.

Kaya isa itong mahalagang paalala sa lahat na huwag mag-ipon sa kawayang alkansya, mas mabuting sa mas sigurado at kampante ka,sino nga ba naman ang may gustong mawalan ng pera ng di-inaasahan? Kaya bago pa mangyari ito ay iwasan nalang ng hindi natin pagsisisihan.

 

SOURCE: TRENDSZILLA

Loading...