“Kay Mayor ito babalik” sabi ng Brgy. Official ng Mahuling Binabawasan ng P3,000 ang nakatanggap ng ayuda.

Hindi naging madali ang pamimigay ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan dahil sa maraming reklamong natatanggap na hindi umano pantay ang kanilang pamimigay.

Maraming Pilipino ang sa ngayon ay umaasa lamang sa ayuda ng gobyerno dahil sa banta ng c0vid-19 na ngayon ay patuloy pa ring nananalasa sa buong mundo.

Ang layunin ng SAP ay para tulungan ang mga Pamilyang napabilang sa “Poorest of the poor” na ang kanilang trabaho ay lubhang na apektuhan dahil sa lockdown.

Sa kasamaang palad, marami talaga ang nagsabing may anomalya ang bigayan ng SAP kahit saan mang brgy.,may mga namatay na umano na nakalista pa sa master lists, yung iba ay kamag-anak pa ng mga naka-upong opisyales.

Kamakailan, isang netizen na nagngangalang Lhon Villamayor Perez ang nagbahagi ng video footage ng ilang opisyales ng barangay na binabawasan umano ng P3,000 ang cash aid na ipinamimigay sa mahihirap.

Sa nasabing video, makikita na ang isang brgy. opisyal ay kausap ang isang residente na ibalik umano ang ilang pera mula sa financial assistance na ibinigay ng gobyerno. Ang Opisyal at si Perez ay nagkaroon ng sagutan patungkol sa isyu.

NARITO ANG VIDEO:

Pagkatapos ng ilang minuto, sinabi ng lalaki na ang halagang P3,000 ay pupunta di umano kay Mayor.

Narito ang pahayag:

Pg ka tapos ko i record ang video na ito kinausap ko muna si kagawad Danny flores ang sabi ko kung pwde ko i upload ang video ang sagot nya bahala ako hari ako ng sarili ko wala nmn po siguro msama kung malaman ntin lahat kung saan ma ppnta ang pera na binawi nila wala po ako personal na galit kahit knino gsto ko lng po malaman ang totoo kung my mali ako sa pg post ko ng video na ito tatanggapin ko po ang parusa na nrarapat sa akn

Paki share po para malinaw sa lahat at sana mkrating sa kinauukulan ang video na ito
Maraming salamt po.”

Iba’t ibang negatibong komento naman ang ibinigay ng mga nakapanuod sa videong ito.

SOURCE: PHILNEWS

Loading...