Kambing,Tupa at PAPAYA, Positibo sa C0VID-19 sa Tanzania,Presidente nila May Hinala sa nagaganap.

Nasa mahigit 3 milyon katao na ang infected sa c0vid-19 sa buong mundo simula ng nanalanta ito, at hindi lamang tao ang kinakapitan ng v1rus kundi pati mga hayop tulad ng aso, pusa at marami pang iba.

Pero ang pangulo ng Tanzania, nagduda sa nakuha nilang imported test kits dahil bukod daw sa kambing, pati ang papaya, nagpositibo sa v1rus.

Sa ulat ng Reuters, hinihinala ni Tanzanian President John Magufuli na palpak ang nakuha nilang test kits dahil sa resulta ng ginawang pagsusuri sa kambing, tupa at papaya.

Sa isang pagtitipon sa Chato, sinabi ni Magufuli na imported ang nakuha nilang C0VID-19 testing kits pero hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye tulad kung saan bansa ito nagmula.

Iniutos niya sa security forces ng bansa na suriin ang kalidad ng test kits. Kumuha sila ng “sample” ng mga susuriin pero na hindi galing sa tao, kung hindi sa kambing, tupa at pawpaw o papaya, at nilagyan nila ng pangalan ng tao at edad.

Ipinadala umano ang naturang mga sample sa laboratoryo para suriin at hindi alam ng lab technicians ang pinagkunan ng mga ito.

Nang lumabas umano ang resulta, positibo sa virus ang papaya at kambing.

Dahil dito, hinala ni Magufuli, baka may mga kababayan siyang nagpositibo pero negatibo naman talaga. Hindi raw talaga mapagkakatiwalaan ang mga test kit.

“There is something happening. I said before we should not accept that every aid is meant to be good for this nation,” ayon kay Magufuli, na pinupuna ang liderato dahil sa pagiging masikreto tungkol sa impormasyon ng C0VID-19 outbreak sa kaniyang bansa.

Sinabi ni Magufuli na kailangang magkaroon ng imbestigasyon tungkol sa test kits.

SOURCE: GMA NEWS

Loading...