Jericho Rosales Binalikan ang Hirap ng Buhay bilang Trash Collector, Fish Vendor at Barker.

Marami sa atin ang todo hanga sa mga artistang ating nakikitang namamayagpag sa kasikatan at karangyaan sa buhay, pero marami din sa atin ang hindi alam kung anong hirap ang kanilang pinagdaanan para makamit ito.

Katulad na lamang ng matinee idol na si Jericho Rosales, isang magandang halimbawa sa lahat ng mga artistang nagmula sa “rags to riches” na estorya ng buhay. Ang sikat na aktor na ito ay nagtrabaho bilang isang jeepney barker, basurero (garbage collector) at isang fush vendor.

Pero sa kabila ng kanyang pinagdaanang hirap, heto siya ngayon, inabot ang kanyang pangarap at naging successful showbiz personallity ay negosyante.

Mayroon man siyang hirap na pinagdaanan noon, hindi ito naging hadlang para manatili na lamang sya duon, bagkus ito ay kanyang naging pundasyon para magsikap at maabot ang buhay nya ngayon.

Sa pinagdadaanan ngayon ng ating bansa, mayroon mensahe si echo sa lahat, Sabi niya ” Ang ating komunidad ay nagsisimula ng mawalan ng pag-asa, lalong lumalala ang kahirapan, may lungkot at walang katiyakan, pero sa pagiging masipag at matatag, lahat tayo ay aahong muli”.

‘Sa pusong puno ng Pag-asa, at pagiging positibo, makakamit pa natin ang ating mga hangarin kahit na medyo malayo pa ito”.

Hindi kailanman kinahiya ni Echo ang kanyang dating buhay, bagkus ito ay kanyang motibasyon, gusto niyang magkaroon ng sariling pera para maibigay at maitulong sa kanyang pamilya. Well, sinagot ng Diyos ang kanyang hiling, at binigay sa kanya ay mas higit pa sa kanyang hinihiling.

Loading...