Ito Na Pala ang Buhay ni Roxanne Guinoo, Matapos Umalis sa Showbiz Industry.

Biglang nawala sa Showbiz Industry si Roxanne Guinoo at wala ng narinig tungkol sa aktres na ito, siya ay produkto ng isang reality search ng ABS-CBN Network na “Star Circle Teen Quest”.

Pumasok sa Magic Circle of 5 si Roxanne at nagtapos ito na nakuha niya ang pangalawang pwesto, na kanyang naging daan para makapasok sa showbiz.

Ito ang kanyang naging unang hakbang para makapasok sa mundo ng pag-aartista. Ngunit kalaunan ay lumipat sa kapuso Network noong 2012. Sa loob ng tatlong taong pananahimik niya, bumalik siya sa showbusiness sa Talent 5 Artist at lumitaw sa Valiente at isang episode sa Real Confessions. Pagkatapos noon ay bumalik ulit sa Kapamilya network noong 2015.

Nagkaroon siya ng maraming proyekto kung saan mas naging tanyag at umangat ang kanyang karera, may mga TV Programs , commercials at iba pang filipino film na siya ang bida.

Nasa rurok siya ng kanyang karera ng nagdesisyon siyang mag settle down noong taong 2011. Kanyang napangasawa ang pinsan ni Tim Yap na si Angelo Elton Yap, 24 taong gulang pa lamang noon si Roxanne at 21 naman ang kanyang asawang si Elton.

Pero, makikita naman na hindi nasayang ang kanyang piniling karera, ang maging Ina sa kanyang mga anak, mukhang mas gumaganda lalo siya sa pagiging Ilaw ng tahanan sa kanyang pamilya.

May tatlong magagandang Prinsesa na sa ngayon si Roxanne, sina Sophia,Reine at Reilly.

Pumupunta sila kung saang bansa para magbakasyon, na sabi ng ilan ,ay buhay prinsesa na daw si Roxanne.

Talagang isa itong patunay na makadepende sa bawat desisyon ng tao, ang kanyang tunay na kaligayahan, sa kay Roxanne ,nakita nya ito sa piling ng kanyang pamilya, na mas pinili niyang mamuhay ng tahimik kasama sila.

Loading...