Hinangaan ang Isang Gwardya na Kasama ang Anak sa kanyang Duty para Maalagaan.

Bilang isang magulang,sila ay tinatagurian ding mga bayani, dahil kaya nilang gawin ang mga imposibleng bagay basta para sa kanilang pamilya.

Tulad na lamang ng kwento ng isang Tatay na ibinahagi ni Jeff Magno, isang larawan ng Security Guard sa isang Pawnshop kung saan dala-dala niya ang kanyang anak habang naka duty.

Ayon sa netizen siya ay nakapila kasama ang kanyang pamangkin sa nasabing pawnshop, pero nakuha ang atensyon nila nang makita ang guard na may kasamang bata.

Dahil hindi naman ito palagiang nangyayari kaya medyu na curious siya at napatanong sa guard, mas lalong na antig ang kanyang puso ng nagsimulang magkwento ang gwardya.

Tinanong ni Jeff kung mayroong sakit ang bata, wala naman daw sabi ng gwardya pero ipinanganak daw itong pre-matured.

Kaya dala-dala ito ng ama habang naka duty sa kanyang pwesto, wala sigurong mag-aalaga sa kanyang anak kaya ito nalang ang kanyang naging solusyon para mabantayan at maalagaan.

Nagviral naman kaagad ang post na ito ni Jeff sa social media, marami ang humanga sa pagka huwarang ama ng security guard, makikita na kahit pagod sa trabaho ay pareho silang masaya at nakatawa ng kanyang anak.

Hinangaan rin ng mga netizens ang employer ng gwardya dahil sa pag intindi nito sa kanilang kalagayan, hindi naman nakapag kwento kung nasaan nga ba ang Ina ng kanyang anak.

Ilan sa mga komento ay:

” God will bless you for being a good father, I salute you!”

” Sana gayahin po kayo ng ilang kalalakihan,bihira ang tulad mo manong, saludo ako sa iyo”.

Loading...