Heto pala ang Napakaganda at Napakalawak na bahay ni John Estrada na may golf course view-Silipin niyo po.

Naging kilala na ang pangalang John Estrada sa larangan ng comedy films, mga maaaksying pelikula, at kasa-kasama niya sina Willie Revillame na isang sikat na tv host sa ngayon, Randy Santiago na kilalang magaling na mang-aawit, sila sila ang magkakasama noon sa mga pelikula at ibang palabas.

Hindi rin naging madali ang buhay pamilya ni John, dahil naghiwalay ito sa kanyang asawang si Janice De Belen, at kinalaunan ay napabalitang ikinasal na rin siya sa isang magandang si Priscilla Meirelles at nagkaroon ng anak na si Anechka.

Sa kanyang buhay bilang artista, marami na ring naipundar ang aktor at ipinakita niya ang mga ito na talaga namang nakaka mangha sa ganda ng view. Mala paraisong lugar sa Dasmarinas Cavite.

Estilong moderno ang nangingibabaw sa bahay ni John, mas binigyang halaga niya yung mga malaking espasyo sa kanyang bahay, napaka aliwalas sa pakiramdam kapag natanaw ang mga magagandang view sa paligid at nakagagaan sa loob.

Glass window ang kadalasang gamit niya para masilayan ang malawak na scenic view ng kanyang golf-course at makikita ang buong tanawin ng kanyang ari-arian.

May nakaka-inviting na swimming pool, dito madalas sila nag bobonding lalo na ang kanyang anak na si Anechka, ito yung paborito nyang lugar sa kanilang bahay.

Mayroon din silang golf course, dahil ito rin ang hilig ni John at ng kanyang mga kaibigan,talaga ngang makaka relax ka sa ganitong ambiance ng lugar, well, isa din itong reward sa kanila ni John dahil sa kanilang sipag at tiyaga sa kanilang trabaho.

Loading...