Heto na pala ang Trabaho ngayon ni Spencer ng Streetboys,Isang BUS Driver sa Scotland,Pinahayag ang HIRAP na dinaanan niya.

Naging sikat na dance group ang Streetboys noon, at isa sa kanilang miyembro ay ang dating sikat na aktor din na si Spencer Reyes.

Sa ginawang panayam ng DZRH sa kanya nitong lunes, napag-alamang nasa Scotland na pala at nagtatrabaho bilang bus driver, taliwas sa kanyang karera dito sa Pilipinas.

Doon sa United Kingdom, mataas pala ang propesyon ng isang bus driver dahil mahirap ang pagdadaanan mong tests bago ka matanggap sa trabaho.

Ang United Kingdom ay binubuo ng England, Scotland, Wales, at Northern Ireland,

Kuwento ni Spencer, 2008 siya pumunta ng England kung saan nag-aral siya ng Nursing.

Taong 2014 siya lumipat ng Scotland, kasama na ang kanyang asawa at tatlong anak.

Nag-aral siya ng Electrical Engineering, Heating, at Plumbing sa isang vocational school doon.

Pagkatapos ay nag-apply siya bilang bus driver.

Dumaan muna raw siya sa maraming pagsubok bago natanggap sa trabaho.

Kuwento ni Spencer, “Napakahirap pumasok as bus driver.

“You need to do some examinations. Kasi, may license dito sa kotse.

“Pag pumasa ka doon, merong tinatawag nilang Theory and Hazard.

“Pag pumasa ka doon, magsi-celebrate ka talaga.

“Kasi, aaral ka talaga ng makapal na libro.

“Then, nagka-idea ako… nagpasa ako as bus driver, hindi agad ako kinuha.

“Kailangan, kumuha ako ng another license for bus.

“I need to study again for almost six months, review again.”

Patuloy niya, “Kailangang maipasa mo yung Hazard and Theory, tapos another… almost 10 na online tests na mapasa mo yun.

“Pag hindi mo mapasa isa doon, hindi ka magiging bus driver dito.

“Saka dapat okay ang memory.”

Kailangan daw na alam mo ang pasikut-sikot dahil isang beses lang ituturo ito.

“Hindi ganun kadali,” sabi pa ni Spencer.

Halos dalawang taon na siyang bus driver, kung saan mga tour bus ang minamaneho niya.

Kaya kabisado na raw niya ang halos kabuuan ng Scotland.

Ngayong naka-lockdown ang Scotland, dahil sa tumataas ang kaso ng COVID-19, tuloy pa rin ang trabaho ni Spencer.

Naghahatid daw siya ngayon ng frontliners sa mga hospital.

Kuwento niya, “Essential ako dito, e… nagda-drive ako ng bus.

“Kailangan kong magdala ng mga nurse sa hospital, e.

“Ako yung naghahatid ng mga nurse na nagtatrabaho sa hospital.

“Naka-mask, naka-PPE, makapal yung glasses ko… everytime na sumasakay ako.

“Kasi, yung bus namin, merong wall na glass, which is safe.

Maganda ring malaman na nagkaka-communicate pa rin sila ng dati niyang ka-love team na si Ice Seguerra.

Ayon kay Spencer, nilalambing-lambing lagi niya noon si Ice, pero suntok at sapak daw ang inabot niya.

Habang nilalambing ko siya nun, lagi niya akong sinusuntok, sinisikmuraan.

“Pero tinitiis ko lang. Sabi ko, sige na, e, love team lang naman.

“Talagang sisikuhin ako niyan, sinusuntok niya ako.

“Kasi, lagi ko ‘yan hinahalikan sa pisngi, e.”

Pagtatapat pa ni Spencer, “Minahal ko siya as a friend, kasi lagi kaming magkasama nun, e.

“Nagkaroon ng konting nadi-develop, pero alam mong lalaki siya, at mabibigo ka lang.”

Loading...