Heart, Niregaluhan ang batang’Binasted” na si Eman dahil di kumakain ng Gulay.

Kung inyong maaalala ay biglang nagviral ang love letter na kung saan binasted ang batang si “Eman” dahil sa ito ay di kumakain ng gulay ayon sa kanyang batang nililigawan.

Nakakatawa man na sitwasyon pero ito ay umantig sa damdamin ng TV Host actress na si Heart Evangelista, ito ay mismong kanyang inamin sa kanyang instagram story, nalungkot di umano sya sa sinapit ng batang si Eman.

Kaya binigyan ng munting regalo ni Heart ang estudyanteng binasted ng kanyang crush dahil sa ayaw kumain ng gulay.

“Aww so cute yet so heartbreaking. Saw this letter from a little girl rejecting the boy who has a crush on her. Okay lang yan Eman, I love you!” pahayag ni Heart.

SEE ALSO:

OFW,NINAKAWAN NG 200,000 SA ATM SCAM.
10 BAGAY NA HINDI DAPAT E POST SA FACEBOOK,BILANG PAG-IINGAT
TUBIG,DELIKADONG IWAN SA LOOB NG SASAKYAN

Para mawala ang lumbay ng musmos, nagpadala siya ng package na may lamang maraming pagkain sa eskuwelahang pinapasukan nito.

Sumulat naman si Eman sa aktres at nangakong kakain ng gulay bilang pasasalamat sa regalong natanggap.

“Dear Ms. Heart, happy birthday and happy Valentine’s day. Thank you sa gift kakain na po ako ng mara­ming gulay para tumaba na ako, Love, Eman,” nakasaad sa liham ng paslit.

Naantig naman ang puso ng maybahay ni Sorsogon Governor Chiz Escudero sa mensaheng ipinahatid ng mag-aaral.

“One of the sweetest birthday greetings I got! Kain ka ng maraming­ gulay, Eman! Happy Valen­tine’s Day din sayo at salamat sa pag-alala ng birthday ko,” ayon sa Kapuso celebrity.

Loading...