First-Ever Apple Tree, Napatubo at Napabunga ng Isang Estudyante sa Davao.

Mahirap umano palakihin at patubuin ang puno ng mansanas sa Pilipinas dahil sa klima at uri ng lupa dito, pero hindi ito naging hadlang sa isang Agriculture student na si Benzone Kennedy Franes Sepe.

Kaya marami ang namangha sa ibinihaging experience ni Benzone sa pagpapatubo ng puno ng mansanas at nagkaroon pa ito ng bunga, maraming ang nagtatanong kung ano nga ba ang ginawa ni Benzone para mapatubo ito at napa bunga pa.

Ayon sa How to Care:

Nagsimula ito noong 2014, sinubukan ni Benzone na magtanim ng 3 buto sa kanilang bakuran. 2 ang namatay at sinipagan niya mabuhay ang natirang buto na kanyang tinanim.

SEE ALSO:

OFW,NINAKAWAN NG 200,000 SA ATM SCAM.
10 BAGAY NA HINDI DAPAT E POST SA FACEBOOK,BILANG PAG-IINGAT
TUBIG,DELIKADONG IWAN SA LOOB NG SASAKYAN

Dahil isa na lamang ang natirang buto, sinikap niya na mabuhay ito. Naging positibo sa lahat ng bagay at patuloy ang kanyang pananaliksik kung paano ito mabuhay.

Sa tulong ng internet at ng kanyang kaalaman tungkol sa pag palaki ng halaman, nagawa niyang palakihin ang buto ng mansanas. Sabi niya,

“I pruned the plant but it did not end there. I found out a proper way on the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure.”

Taon ang lumipas ang kanyang buto na tinanim noon ay naging ganap na puno na at ito ay unti unting namumulaklak, senyales na ito na malapit na magkaroon ng bunga.

Matapos makalipas ang ilang buwan, siya ay naka ani ng 4 na mansanas, marami ang nag tanong kung kamusta naman ang kondisyon nit at ito ang kanyang sagot,

“I cannot see any difference between that and a commercial apple because the juiciness and crunchiness are still there.”

Dahil dito, inupload niya ang video sa kanyang Channel na ‘Kapatagan Apple Orchard Digos City Benzone’. Ito ang matuturing na pinaka una-unahang puno ng mansanas na tumubo sa bansa.

 

Loading...