Estudyante,Umaakyat sa Bundok ng 1 oras makahanap lang ng Signal para makapag Send ng requirements.

Isang Estudyante mula sa Burias Island ng Masbate ang umakyat sa bundok para maghanap ng signal upang makapasa ng requirements sa Paaralan.

Sa isang video na na e post sa Twitter,makikita si Franz Berdida na nakaupo sa madilim na lugar na may maliit na upuan sa harap kung saan nakalagay ang kanyang laptop.

Sabi niya, umaakyat daw siya sa bundok simula pa noong Marso 14. Ang pag-akyat sa bundok ay nagtatagal ng halos 30 minutos hanggang 1 oras.

“Umakyat ng bundok for finals kahit gabing gabi na just to pass kasi ayokong ma IP or worse bumagsak,” sabi niya.

Nag-aaral si Franz sa isang University sa Intramuros,Manila. Nakuha niyang umuwi sa Masbate sa kanilang tahanan bago pa man nag take effect ang Community Quarantine sa National Capital Region.

“I am just one of those Filipino students trying to learn despite these present adversities,” sabi niya. “Despite the difficulties I will continue to comply and learn, regardless how hard it is.”

Maraming Unibersidad ang nag suspendi ng kanilang klase dahil sa ipinatupad na ECQ dahil sa banta ng C0r0navirus disease 2019. Ang ibang paaralan ay nagsagawa ng online classes at ipinapasa nalang ang mga requirements online.

Loading...