Babala: May Bagong MODUS para Magmukhang Sariwa ang mga Isda.

Sa panahon ngayon dapat maging mapagmatyag po tayo lalo na sa mga binibili nating pagkain, dahil dito nakasalalay ang kalusugan ng ating mga mahal sa buhay.

Isang tindahan sa Kuwait ang umano’y nagsara dahil napag-alamang gumagamit ng pekeng mata sa mga tinitindang isda para magmukhang sariwa.

Pinapalitan ang mga mata ng isdang malapit ng mabulok, sa larawang ito makikitang dnidikitan ng pekeng mata ang mga naninilaw na mata ng isda, nakunan ito ng video at mabilis na nagviral din sa social media bilang pagbibigay alam sa mga publiko.

Sinasabing ang video clip na iyon ay pinalabas kung paano tinanggal ng isang namili ng isda ang mga laruan o pekeng mata sa mga nabili nyang isda.

Noong ito ay magtrending ay agad namang inaksyunan ng Kuwait’s Ministry of Commerce and Industry. Walang ano ano ay inimbestigahan at pinasara nila ang naturang tindahan.

Lubhang del1kado ang pagbili ng mga nabubulok na isda lalo na kapag ito ay makain ng mga taong may existing na na karamdaman, kapag naninilaw na kasi ito , senyales na malapit ng mabulok , maaaring dalawang araw o higit pa na ito ay namumulok, ayon sa Gulf News.

May mga napabalita din na nahuhuling naglalagay pa ng kuko sa loob ng katawan ng isda para dumagdag sa bigat nito at maibenta sa mataas na halaga, kasunod nito ay ang paglagay ng pekeng mata sa mga isda.

Kapag ikaw ang mamimili, talagang maiinis ka kapag ito yung mga nakuha mo, pawis at hirap ang ginugol para may pambili tayo pero lolokohin lang ng mga taong ito.

Kaya paalala sa lahat na ang pangyayaring ito ay magsilbi sanang aral sa mga mamimili, na mging alerto, matalino at may akmang kaalaman sa mga bibilhing produkto.

Loading...