Agot Isidro,May Matinding Sagot sa mga Kumukumpara sa kanya kay Palito.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang isang sketch ng yumaong komedyante na si Palito at ito ay kinukumpara sa Aktres na si Agot Isidro.

Si Agot Isidro na nasa 53, ay magaan umanong tinanggap ito, Ibinase ang sketch sa isang litrato ni Agot na kuha noong August 2019, kung saan bagong gupit ang actress-singer.

Tulad ng inaasahan, nagpiyesta ang mga kritiko ni Agot sa pamba-bash sa kanya. Matatandaan na si Agot Isidro ay isa sa mga bumabatikos sa kasalukuyang administrasyon.

Sabi ng ilan, hindi raw nila alam na si Palito pala ang ama ni Agot.

Sa Twitter, tinukoy ni Agot ang “DDS” na sa tingin niya’y siyang may pakana ng sketch.

Ang DDS o Duterte Diehard Supporters ay ang mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilala sila sa pagiging agresibo at walang kapaguran sa pagtuligsa sa mga kritiko ng Pangulo.

Kilala naman si Agot bilang mahigpit na kritiko ng Pangulo.

Kalakip ng kumalat na sketch niya, isang mensahe ang ipinarating ni Agot sa mga DDS.

Kung inaakala raw ng mga ito na na-offend siya, sinabi ng singer-actress na isang karangalan ngang maihambing kay Palito na isang legend.

Sabi ni Agot: “Dear DDS, If you think I am offended by this, I am not.

“Palito is a legend.

“I am quite honored, actually.

“So thank you for this.”

Pero sinabihan pa rin niya ang mga ito na umalis sa kanyang timeline.

Aniya, “But please, take your pea-brains out of my TL, because I am blocking you.

“My TL, my rules.”

Marami ring followers si Agot na nagtanggol sa kanya.

Patama nito sa mga kritiko ni Agot: “Ewan ko ba, bakit pinipilit nila yung analogy ng pwet at utak.”

Binanatan naman ng isa pa ang bashers ni Agot.

Wala raw silang maisagot sa mga isyung pinupuna ng singer-actress kaya namimersonal na lamang ang mga ito.

Loading...