Wala sa Edad: 32 y.o., GMA freelance director of photography dies of COVID-19.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga infected sa covid-19, pataas rin ang bilang ng mga namamatay kada araw at mababa ang rate ng mga naka recover.

Ang sakit tingnan ng mabilisang pagtaas ng mga numero, gayundin sa mga namatay, ngayon napapatunayan lamang na walang exception sa ganitong uri ng sakit, mapa bata, matanda, doctor,nurses, may malalakas na katawan,lahat ng yan ay may naitala ng kaso ng namatay sa covid-19.

Nitong biyernes lang, ibinalitang pumanaw na rin ang isang freelance production talent ng GMA Network na si Joseph de los Reyes, nasa 32 taong gulang pa lamang siya at masakit nito dahil may mga naiwang pamilya na tulad ng iba, hindi mo na masisilayan pa.

Ayon pa sa GMA News Online:

He worked as DP of various shows such as Wagas, Karelasyon, Dangwa, Tadhana, Sirkus, Sahaya, One Hugot Away and Magpakailanman.

Filmmaker Zig Dulay wrote a farewell message to de los Reyes.

“‘Yung huling usap namin bago siya maospital, humingi siya ng pasensya kasi nga hindi niya natapos ang shoot, kinagabihan kasi ng mismong shoot namin, masama na pakiramdam niya. Sabi ko sa kaniya, okay lang. Magpahinga siya at magpagaling,” Dulay said

“Nakasanayan na namin ang isa’t isa sa trabaho. Gamay na namin ang isa’t isa. Sa kaniya lang ako nagtitiwala, na alam kong aalagaan niya ‘yung project namin.

“Para ko nang kapatid ‘yan, lagi ko siyang pinagsasabihan na bantayan niya ang kalusugan niya, lalo na’t may pamilya na siya.”

GMA Public Affairs Senior Program Manager Joni Mosatalla regrets not having been able to say farewell in person.

“Ang sakit isipin na dahil sa Covid, hindi man lang namin nayakap si Joseph. Hindi man lang kami nakapagpaalam at nakapagpasalamat. Dati statistics lang tuwing naririnig ko ang bilang ng mga namatay dahil sa virus na ito pero ngayong isa sa pinakamalapit sa puso ko ang naging biktima–isang taong itinuring kong anak-anakan at bahagi ng aking pamilya, lalong umiigting ang takot at pangamba. Sana makahanap na ng lunas. Sana humupa na ang lahat,” she said.

Bilang isa sa mga DOP ng ilang program namin sa Public Affairs tulad ng Wagas, Tadhana at Inday Will Always Love You- isa sa pinakamasipag at pinakamabait na katrabaho si Joseph. Napakahusay ng mata niya at napakapasensyoso. Walang reklamo sa mahabang shooting, nagtatrabaho sa gitna ng arawan o nababasa ng ulan. Gigising ng maaga sa madaling araw na pulout at uuwi ng madaling araw na rin. Pero kahit pagod na pagod, laging nakangiti at palabiro. Kaibigan niya ang lahat ng tao sa set.”

Kaya sana po ay mas paigtingin pa ng pamahalaan ang mga paraan upang mabilis na mawala itong virus, itoy laban nating lahat at kooperasyon mula sa Pamahalaan ang tangi nating maitutulong.

Loading...