Viral: Spiderman, Spotted namimigay ng Relief Goods sa Tarlac, Kilalanin Siya.

Sa kabila ng angyayaring ito, doon mo malalaman na may mga taong hindi man mayaman pero may bukal na kalooban, nagbibigay tulong na walang kapalit sa panahong maraming taong gipit na gipit.

Nakaka goodvibes pa ang hatid ng isang “Good Samaritan” na nagviral din sa social media nang makitang namimigay ito ng mga food packs na nakasuot ng Spiderman costume sa Brgy. Sta. Lucia, Tarlac.

 

Kinilala ang “Spiderman” ng Victoria, Tarlac na si Estefred Cordero Jr, isang photographer.

Ayon kay Cordero, kahit ordinaryo lang siyang mamamayan, nais niyang makapagbigay ng konting tulong sa kaniyang mga kapitbahay at makapagbigay-saya na rin lalo’t naka-lockdown ang probinsya ng Tarlac.

May lamang hotdog, gulay, pansit mami at itlog ang kaniyang ipinamigay sa mga kapitbahay.

“Nais ko po kasing magbigay ng good vibes sa mga kapitbahay at maging inspirasyon na rin na kahit konting tulong ay makatulong sa iba,” ani Cordero.

Bukod sa mga residenteng naghahatid tulong, tuloy din ang gobyerno sa relief distribution sa probinsiya para sa mga pamilyang apektado ng quarantine.

Sana marami pa ang katulad niyang handang magbigay sa mga kapos palad, tiyak mabilis na masugpo ang pandemyang ito pag lahat tayo nakikiisa sa plano ng Pamahalaan at nagtutulungan.

Loading...