“TOTAL LOCKDOWN” Posibleng Ipatupad sa Bansa ayon sa Malacañang.

Ang pag deklara ng “Total Lockdown” ay isa sa mga option ng Pamahalaan upang ma contain ang paglaganap ng covid-19, ayon ito sa Malacañang nitong Huwebes kasunod ng mga balitang maraming tao ang lumalabag sa ECQ protocols.

Presidential Spokesman Harry Roque ay nagsabi na ang total lockdown measure ay kinokonsidera kapag ang bilang ng mga may kaso sa covid-19 ay patuloy pang tataas at kapag maraming violators pa ang makikita sa mga nalalabing araw ng quarantine.

Ang lockdown ay magtatapos nitong Abril 30 na extended na nga mula sa orihinal na petsang Abril 12.

Ayon pa sa ABS-CBN:

“Hindi po ‘fake news’ na kinokonsidera ang total lockdown lalo na kung magpapatuloy ang mga pasaway sa ating mga kalsada so ‘wag na po natin pahabain itong ECQ,” Roque said in a virtual press briefing.

(It’s not fake news that a total lockdown is being considered if there are more violators so please, don’t prolong this ECQ anymore.)

“Tumupad na po tayo sa ating obligasyon at kaunting panahon na lang po ang natitira sa ating ECQ,” he said.

(Do your part since it won’t be much long until the end of our ECQ.)

Former Presidential Spokesman Salvador Panelo previously described a total lockdown as a situation where all establishments, except for groceries and supermarkets, would be closed.

VIOLATORS SHOULD BE ASHAMED

Roque said violators of the enhanced community quarantine protocols should be ashamed given that the country has already recorded the highest number of COVID-19 cases in Southeast Asia.

“Nakakahiya po ‘yan. Itigil niyo na ‘yang pagiging pasaway at manatili kayo sa inyong mga tahanan,” he said.

(That is embarrassing. Stop being stubborn and stay home.)

“Dapat tayong mga Pilipino mahiya dahil nagpapakita tayo ng walang disiplina eh samantalang ginagawa naman po natin ito dahil nais nating maiwasan magkasakit ang ating mga kababayan,” he said.

(We Filipinos should be ashamed for showing how undisciplined we are when we are just doing this so that our countrymen won’t get sick.)

Loading...