Sanggol, Postibo Sa C0VID-19 Matapos Nahawaan ng Ama na Pumunta Sa Grocery Store.

Sa panahon ngayon isa lang ang mabisang paraan para hindi dapuan ng virus, ito ay ang mamalagi sa inyong tahanan. Ngunit di maiiwasan na may isang taong lalabas sa inyo para bumili ng pangangailangan, at siya ay nasa high risk na pwedeng maka uwi ng virus sa pamilya.

Katulad na lamang sa ulat na inilabas ng The Sun, ayon sa kanila kasalukuyang naka isolate ang isang sanggol dahil naging positibo ito sa covid-19 na nakuha nya sa kanyang Ama.

Ayon sa ulat, Si Peter na Ama ng bata ay pumunta lamang saglit sa isang grocery store para bumili ng dagdag na grocery items sa kanilang bahay, hindi niya naman inaasahan na madadala pala nya pauwi ang isang virus at ang malungkot ay nahawaan pa ang mga miyembro ng kanilang pamilya.

Saad ni Peter,

“I brought the v1rus home after a single short visit to Teso.”

Ayon naman sa ulat ng Mirror, tatlo sa pamilya ni Peter ang mabilis namang naka-recover mula sa naturang v1rus, ngunit, ang kanilang isang taong gulang na sanggol ay kinailangan namang i-confine pansamantala sa ospital para ito ay masuri at matignan dahil ito ay nagpositibo mula sa C0VID-19.

Ang nangyari naman na ito sa pamilya nila Peter ay kaugnay lamang sa pahayag na sina ni Dr. Deborah Brix sa mga residente ng Amerika na huwag munang magpunta sa mga grocery stores ngayon dahil hindi nila sigurado kung isa na pala sa mga nakakasalamuha nila ang mayroon nito o di kaya ay makuha nila ang mga ito sa mga stocks na naka-display sa grocery stores.

Kaya mahirap talaga makawala sa virus, dahil kapag lumabas ka isi[in mo nalang na carrier ka na at kailangan i disenfect muna ang sarili bago tumuloy sa loob ng bahay, at pati narin ang mga paninda.

Mas mabuti nalang po ang nag-iingat at ginagawa ang preventive measure kaysa maging huli na ang lahat, sa Pilipinas ay umakyat na rin sa mahigit 4000 katao ang naging positibo at nasa 200 mahigit ang bilang ng nasawi.

Loading...