Pari sa Laguna naglakad kahit Tirik ang Araw para magbigay ng basbas sa mga tao sa gitna ng quarantine.

Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, naging limitado ang labas ng mga tao at pinatigil ang paggawa ng mga aktibidad na pwedeng maghakot ng tao, tulad ng mga piyesta, pagsamba, birthday, kasal at marami pa.

Isa itong nakitang hakbang ng ating Pamahalaan para masugpo ang virus, kaya inanunsyo ng simbahang katoliko na itigil ang mga misa bilang pagtugon sa panawagan ng Gobyerno.

Dahil sa teknolohiya may mga paraan pa rin para makapakinig sa mga utos ng Diyos at ito ay ang ginagawa ng ibang relihiyon na online mass, bilang pagsamba na rin habang nasa bahay lamang.

Ngunit naging agaw pansin naman ang ginawa ng isang Pari mula sa Laguna, ayon sa post ng netizen na si Marie Magpantay ang kanilang kura-paroko mismo ang naglibot sa mga kabahayan para magbigay ng bendisyon sa bawat pamilya.

Isang sakripisyo naman ang ginawa ng Pari dahil nilalakad nito ang kahabaan ng daan habang tirik na tirik ang araw.Siya pala ay si Father Francis Eugene Fadul Adefuin ng San Isidro Labrador Parish-Makiling sa Calamba, Laguna. Suot ang kanyang sutana, mask at bitbit ang isang cross ay makikita sa mga video na si Fr. Eugene ay masayang ibinahagi sa mga residente ang bendisyon ng panginoon.

Ayon nga sa mga deboto, wala nang mas tatapang pa na gamot laban sa covid-19 kundi ang panalangin na sana ay pagkalooban tayo ng Diyos ng malusog na katawan at matalas na isipan para ma resolba ang pandemic na ito.

SOURCE: FILTIMES

Loading...