Panuorin: Pagpapahid ng laway ng isang babae sa mga gate sa isang lugar sa Maynila, sapul sa CCTV.

Mahigpit na ipinapatupad sa panahon ngayon ang paggamit ng mask at iba pang proteksyon sa katawan tuwing lalabas ng kanya-kanyang tahanan. Ngunit ang aksyon na ginawa ng babaeng ito ay hindi kapuri-puri, bagkus nagdala pa ng pangamba sa isang lugar.

Malinaw na nakita mismo sa CCTV ang ginagawa ng di kilalang babae,namamahid ng kanyang laway sa sa nadaraanang bahay sa isang kalye sa Makati. Ayon sa netizen na si Mervin Madrid, nakunan umano ng CCTV ang gawain na ito ng babae sa Aster St. Barangay Pembo Makati.

Nangangamba naman ang mga nakakita na baka may sakit ang babae, baka isa itong PUI at delikadong mahawaan ang mga tao sa lugar.

Nang kanilang panuorin ay hindi lang pala bahay nila Mervin ang pinapahidan niya ng laway, Makikitang ginagawa niya rin sa kabilang bahay kung saan humahawak muna siya sa gate bago pahiran ng kanyang laway.

Kahit sa kanino niya gawin ito, tiyak namang maaalarma ka, kaya di atubiling ibinahagi ni Mervin ang video upang makilala ang babae at mabigyan ng aksyon ang ginagawa nito. Magsilbing babala ito sa publiko dahil kung mapapansin, tila may suot pang quarantine pass ang babae kaya naman nakakalabas pa ito ng bahay. Ugaliing mag-disinfect ng ating mga bahay dahil hindi natin alam ang maaring ginagawa na ng ibang tao sa labas ng ating tahanan.

Narito ang kabuuan ng video:

SOURCE: KAMI

Loading...