Netizens Nagulat sa Simpleng Bahay Kubo,Pero Nakakamangha Ang Anyo sa Loob.

Halos lahat ay mayroong pangarap, pangarap na magandang buhay sa pamilya at makapundar ng tahanan para sa kanila, maibigay ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw at iba pa.

Kaya nga tayo nagsusumikap para marating ang mga ito at maisakatuparan. Siyempre naka depende din kung ang pangarap ba natin ay attainable? baka yung hindi naman natin kayang abutin.

Isa sa mga pangarap ng karamihan ay magkaroon ng maganda at maayos na tahanan, kadalasan kasi nauuwi nalang sa rentahan ng tahanan dahil napakamahal naman ng mga materyales sa ngayon.

Pero hindi natin namalayan na yung bayad natin sa renta ay kapag inipon natin kaya na nating magpatayo ng sarili nating bahay,kung gusto mo lang naman ay simple at abot kaya, may mga pwede kang choices dyan.

Kamakailan ay may nag viral na isang bahay, gawa sa mga simpleng materyales at abo’t kaya ng bulsa ,gawa sa tinadtad na kawayan na inayos ng mabuti at kinulayan para maging maganda at maginhawa.

Ang larawan ng tahanang ito ay naging usap-usapan sa online world dahil sa simple at kakaibang dating sa mga netizens.

Simple tingnan sa labas, pero napakaayos pala sa loob mula sa kanyang bathroom na naka tiles at kulay rosas na pintura sa looban na gustong-gusto ng mga kababaihan.

Ang larawang ito ay isa lamang sa mga ideya ng gustong magkaroon ng sarili nilang tahanan na hindi na kailangang gumastos ng milyon.

Ang estimate na presyo ng tahanang ito ay nasa 150,000 .Kaya pwede mo ng pag ipunan,para magkaroon ng maganda at simpleng sariling tahanan.

 

Loading...