Netizen may Warning sa gagawa palang ng Sikat na “Invisible Challenge” ng Tiktok.

Naging uso sa ngayon ang social media app na tiktok na syang naging libangan ng karamihan lalo pa’t halos lahat ay naka permi sa kanilang tahanan, hindi makalbas at tanging selpon lamang ang hawak buong magdamag.

Marami ang nahuhumaling dahil sa mga nakakatuwang video, sound effects, pwede kang sumayaw at e record ito at kung maging viral ay may potential din na pwedeng pagkakitaan ito.

May mga challenge na nauuso para mas lalong maaliw ang mga gumawa ng account dito. May lumabas ngayon na isang N_aked Invisible Challenge kung saan ang isang tao ay vivideohan ang kanyang sarili na walang damit at ang mga effects na sa tiktok ang magtatago ng kanyang katawan.

Subalit may isang concern netizen ang nagbigay babala ukol sa nasabing challenge, na huwag daw itong gagawin dahil delikado po ang challenge na ito.

Ayon sa Filtimes:

Mula kay Ann Gabrielle Sampedro Lasam ang lahat ng mga videos sa Tiktok ay napupunta sa kanilang mga servers o sa database. Kasama na dito ang mga “raw” at unfiltered na mga video.

Kaya sinabi nyang lubhang delikado at hindi katanggap-tanggap ang paggawa ng challenge na ito dahil hindi natin sigurado kung tayo lang ba ang pwedeng makapanuod nito, baka isang araw ay may lumabas na naka naked video kana, at lalong lalo pa sa mga kabataan.

Dagdag pa ni Lasam na basahing maigi ang agreement ng tiktok bago gumawa ng account sa naturang social media app dahil isa sa mga nakalagay roon ang pagbibigay ni user ng consent kay Tiktok na pagmamay-ari na niya ang lahat ng video na ini-uupload.

Siguradong may maganda namang epekto ang tiktok app sa bawat user nito, napapagaan ang problema at naaaliw ang bawat isa, ngunit ingat lang sa mga challenge-challenge bago ito gawin para na rin sa safety ng bawat isa at iwas sa anumang resultang hindi maganda.

Loading...