Natanggap na 6,500 mula sa SAP, Pina-Rebond ng Babae sa Bulacan,Nahuli.

Dahil sa pinahabang Enhanced Community Quarantine sa buong bansa, mula Luzon hanggang Mindanao ay karamihan sumisigaw ng saklolo sa Gobyerno dahil sa walang panustos sa kanilang pang araw-araw na pagkain.

Bilang tugon naman ng ating Pamahalaan, isang programa na maglalayong tulungan at bigyan ng cash aid ang mga taong napabilang sa poorest of the poor ng ating bansa, ito ay nagkakahalaga ng P5000-8000 bawat pamilya.

Ang mga poorest of the poor ay yaong mga nawalan ng trabaho, mga no work no pay, mga naglalako o sa mas simpleng salita, yung mga walang wala talaga sa buhay.

Nagsimula ng magbigay ng ayuda ang DSWD sa iba’t-ibang Brgy. sa tulong na rin ng mga Brgy. Officials pagkatapos e validate ang mga makakatanggap nito.

Pero hindi naging madali ang bigayan dahil marami ang umaalma sa mga napabilang sa listahan, marami umanong mga hindi karapatdapat at yung tunay na poorest of the poor ay siya pang hindi nabigyan.

Ang masakit pa nito ay iyong mga nakatanggap hindi ginagamit sa tama ang pera, marami ang nahuhuling nagsusugal at hindi naman pinambili para sa pamilya at sa susunod pang mga araw.

At ang isa pang balita, pina-rebond pa daw ng isang babae ang ayudang natanggap. Siya ay mula sa Bocaue Bulacan, dinampot umano ng mga kagawad ayon sa isang post ng Councilor na si Rico Navarro ng naturang lugar.

Nakita nilang pauwi ang babae mga 9:30 pm galing sa isang Salon, at nagkataon na ipinapatupad ang curfew kaya nahuli at nabuking ang babae.

Inamin naman ng Babae na ginamit nya ang natanggap na SAP na nagkakahalagang 6,500 para ipa rebond. Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang post ni Councilor patungkol sa babaeng ito.

Loading...