Mamahaling Bayong ni Vice Ganda,Agaw-Atensyon at Ibinida sa Amanpulo Beach-Malulula ka sa presyo.

Isa si Vice Ganda sa mga naging successful na artista at komedyante sa ngayon, Jose Marie Viceral sa tunay na buhay, talaga nga namang ang kanyang pamamayagpag sa showbiz ay kahangahanga dahil sa maraming proyektong kanyang nakukuha.

Napakagaling na komedyante at marunong kumiliti sa mga manunuod, sabi nga nila pinakamahirap na role ang pagiging komedyante, kung paano mo mapapangiti ang mga tao at tulungang makalimutang saglit ang kanilang mga nararamdamang sakit.

Regular na makikita si Vice sa kinagigiliwang programa ng ABS-CBN tuwing tanghali ang “It’s Showtime” kasama ang iba pang magagaling na aktor at hosts.

Nagsimula si Vice na hindi madali o maganda ang buhay dahil sa maagang edad ay kinailangan na niyang magsimulang magtanghal sa mga comedy bar sa Ermita, Maynila, lubos naman ang pagpapala na tinatamasa niya sa ngayon dahil sa kanyang successful na career at maging sa kanyang lovelife.

Nitong nakaraan ay pinakita ni Vice sa kanyang mga fans ang kanilang napaka-sweet na selebrasyon para sa Valentines Day. Walang iba kundi isang bonggang bakasyon kasama ang kasintahan na si Ion Perez sa napakagandang resort sa Amanpulo, Palawan.

Maliban sa mga napaka sweet na photos nilang dalawa ng kasintahan,ay ibinida din ni Vice ang kanyang  mga beach OOTDs, isa na rito ay ang larawan sa ibaba kung saan ng ala-Baywatch babe si  Vice suot ang kanyang pulang swimsuit na may Gucci logo-print.

Sa caption pa niya sa kanyang post ay sinabi niya ang salitang:
“Ooooops!!! Wag mainggit just appreciate!”, pahayag pa dito ng Kapamilya artist.

Nakaka-lula din ang presyo ng kanyang OOTD, dahil ayon sa website ng lyst.com, ang halaga ng nasabing swimsuit ay US$490 o halos PHP25,000.

Ngunit mas pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang bayong na inirampa din ng Unkabogable Star. Maliban kasi sa malaki talaga ito na kahit sa malayo ay kitang kita pa rin, galing pala ito sa mamahaling French fashion label na “Jacquemus.”

Ang malaking bayong ni Vice o mas kilala sa tawag na “Le Grand Baci” ay kasama sa luxury brand na spring/summer “La Riviera” 2019 collection. Mabibili ito sa halagang US$790 o PHP41,000 sa Farfetch.com, ngunit sa kasalukuyan ay naka out-of-stock status.

Pabiro namang nag-komento and Kapamilya actress na si Bella Padilla sa kanyang post, “Pakilabas nako sa bag please.”

Habang ang kanyang co-host sa It’s Showtime na si Jugs Jugueta ay hindi napigilan na mapansin ang laki ng kanyang bayong, “@praybeytbenjamin Ang laki naman ng bag mo!”

Samantala hindi naman mapigilan na ma-curious ng kilalang celebrity stylist na si Liz Uy kung ano nga ba talaga ang laman ng mamahaling bayong ni meme Vice, saad niya: “Anu laman?”

Ngunit hindi naman sinabi ni Vice kung ano nga ba ang laman ng malaking baon niyang bayong. Napaka expensive pero deserved naman niya dahil kanya namang pinaghirapan yon.

Loading...