Libre at Walang Bayad ang Marso at Abril na Kuryente ng May Mababang Konsumo-IATF

Dahil sa pagpatupad ng Pamahalaan ng Enhanced Community Quarantine laban sa C0vid-19, maraming mga tao ang nawalan ng pagkakitaan para sa kanilang araw-araw na pangangailangan, dagdag pa nito ang mga bayarin sa kryente, tubig, telekomunikasyon at iba pa.

Talagang lahat ay apektado sa naturang pandemyang ito, ngunit malaking pasasalamat naman ng iilan sa kanilang mga Employer na nagpapakita ng pagdamay sa oras ng sakuna.

Isa namang magandang balita na inanunsiyo ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa kanilang press briefing nitong Miyerkules, na gagawing libre ang kuryente ng mga mahihirap na kabahayang kumokonsumo nang mas mababa sa 50 kilowatts per hour na kuryente mula Marso hanggang Abril.

 

Sakop dito ang mga tinatawag na “lifeline consumers” o mahihirap na kustomer ng mga electric cooperative sa buong bansa, na makikinabang sa “Pantawid Liwanag” ngayong may banta ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay Cabinet Secretary at IATF spokesperson Karlo Nograles, bukod pa ito sa isang buwang grace period na ibibigay sa kanila sa pagbabayad ng kuryente.

“Target na tulungan ng Pantawid Liwanag ang 3 milyong mahihirap na consumer ng mga electric cooperative,” ani Nograles sa press briefing.

Tiniyak din ni Nograles na “sobra-sobra” sa ngayon ang energy capacity sa Luzon.

Sabi aniya ng Department of Energy, nasa 11,795 megawatts ang available na gamitin na malaki sa inaasahang peak demand na 7,323 megawatts sa Luzon.

Nasa enhanced community quarantine ngayon ang buong Luzon at ilang lugar sa Visayas at Mindanao dala ng banta sa COVID-19 — bagay na nakaapekto sa kinikita ng ilang trabahador, partikular na sa mga mahihirap na pamilya.

SOURCE: ABS-CBN

Loading...