Kilalanin: Babaeng May 13-Inches Na Baywang,Usap-Usapan Ngayon.

Sabi ng iba “Chubby is the new sexy”, pero marami pa rin ang nangangarap ng 36-24-36 na vital statistics.

Kapag ganyang ang sukat ng iyong Dibdib (36) Waistline (24) at butt (36) ikaw ay kabilang na sa mga tinatawag nilang “Seksy”.

Pero mas may nakakagulat pa palang waistline measurement na mas mababa pa sa 24 na sukat, ito ay isang babaeng taga Myanmar, sa larawan makikita mo kung gaano nga ba kaliit yung kanyang beywang.

Di ko alam kung mapapa “Wow” ka ba o nasobrahan na. Biglang lumubo ang mga nagshare sa larawang kanyang inupload naman sa kanyang social media account, dahil marami sigurong na curious at namangha sa kanyang sukat.

Siya ay kinilalang si Su Moh Moh Naing nasa edad na 23 anyos tubong Bago na malapit sa Matama Town sa bansang Myanmar. Sumikat siya dahil sa kanyang napakaliit na waistline na may sukat na 13.7 inches.

Ngayon ay isa na siyang internet sensation dahil madami at kalat kalat na sa mga socmed ang kanyang mga larawan.

Sa kabilang dako ay kandidata pala siya sa Guiness Book of World Records na kung saan ay natalo siya ng isang British na babae na mayroong 13 inches na sukat ng beywang. Madami ang nagulat at madami din sa ating netizens ang naginspect ng kanyang mga litrato at sinasabing inedit lang daw ito sa photoshop na pwedeng gawin ng kahit na sino.

Ngunit, sabi ni Su Moh Moh ay ganoon man ang kanyang waistline, na iba man ang kanyang normal na katawan compared sa ibang babae ay isa din siyang simpleng babae na nais mabuhay ng malaya at matiwasay na malayo sa mata ng mapanghusgang lipunan.

Sa mga nangangarap ng seksy at magandang katawan. Maaari nating gawing modelo si Su Moh Moh hindi dahil sa pagkakaroon niya ng 13.7 inches na baywang bagkus ang kanyang pagiging positibo sa pang-araw-araw upang maachieve din niya ang kanyang mga gustong gawin sa buhay.

Mayroon mang kakaiba sa kanya, tao rin siyang may pangarap na dapat igalang ng sino man.

Loading...