Kilalanin ang Babaeng Buong Pusong Tumanggap at Nagmahal kay Jake Zyrus.

Isang sikat na mang-aawit si Charice Pempengco sa kamyang murang edad at hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa.

Ngunit sa gitna ng kanyang kasikatan ay may nakatago palang tunay na personalidad sa likod nito, nahirapan ang batang mang-aawit na ito at ng maglaon ay kanyang napagdesisyunan na isa publiko.

Ni reveal ni Charice ang kanyang tunay na gender, pinalitan din niya ang kanyang pangalan sa showbiz at may mga isinagawang proseso sa kanyang katawan para ma satisfy ang kanyang gusto.

Sa kanyang pagbabago, pinalitan niya ang kanyang pangalan bilang si Jake Zyrus.

Maraming batikos ang kanyang natanggap mula sa kanyang mga fans at ang masakit ay pati pa sa kanyang sariling pamilya.

Umani siya ng ibat-ibang pambabatikos at isyu sa panahon ng kanyang transisyon. Nag-iba ang kanyang boses, at may mga tumutubo na ring mga buhok sa kanyang mukha na tila isang ganap na lalaki na siya.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat pa rin siya dahil sa suportang pinaparamdam sa kanya ng kanyang girlfriend na si Shyre Aquino.

Si Shyre ay isang Registered Nutritionist-Dietician at ang kanilang relasyon ay hindi naman patago kaya marami na rin ang nakaka alam nito.

Kapwa sila proud sa kanilang relasyon at marami naman umanong sumusuporta sa kanilang dalawa.

Ayon kay jake nag umpisa daw ang kanilang relasyon bilang isang Fan at Celebrity.

“She started as a fan and I only met her in one of my shows,”

“She is the outgoing type of person and I describe myself as an introvert.”

“We both have learned to walk in each other’s shoes and manage to be the best versions of ourselves.”

Sa kanilang personal account ay makikita din mismo kung gaano ka sweet ang dalawa, talaga ngang ang Pag-Ibig ay kusang dumarating sa hindi inaasahang pagkakataon at sa hindi inaasahang sitwasyon.

Loading...