ARESTADO: 3 miyembro ng 4Ps, Huli sa Akto na NAGSUSUGAL kahit alam nilang bawal dahil sa ECQ.

Sa panahon ngayon, kinakailangan ang ating pang-unawa at kooperasyon para mabilis na matapos ang pandemyang ating kinakaharap, kaya bilang pagmamalasakit ng Pamahalaan na mabigyan tayo ng suporta namimigay ito sa mga taong walang kaya sa buhay.

Ang Social Amelioration Program ay pagbibigay ng 5-8k sa bawat tahanang papasa sa guidelines ng DSWD at kabilang na ang 4Ps na mabibigyan ng ayuda.

Ngunit sobrang napakasakit makita na kung sino pa ang binibigyang atensyon ng ating Pamahalaan, ay sila pa ang walang kooperasyon at mahilig magreklamo sa bayan.

Kaya nitong Lunes lang arestado ang tatlong kababaihan na mga miyembro ng 4Ps, ng sila ay maaktuhang nagsusugal sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng pamahalaan na magsakripisyo man lang na manatili sa kanya-kanyang tahanan.

Sila ay lumabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gẳmbling) na may multa na nagkakahalaga ng 1 hanggang 6 na libong piso.

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang tungkol sa ayudang natatanggap ng mga miyembro ng 4Ps. May mga umalma at nagsabing sana ay muling i-validate kung karapat-dapat ang mga miyembro na nakakatanggap ng buwanang tulong mula sa pamahalaan.

Isinailalim sa community quarantine ang Metro Manila at iba pang lugar dahil sa paglaganap ng COVID-19. Kasunod nito ay hiniling ng pangulo ang emergency power. Kinalaunan, kanyang ina-nunsiyo ng pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga mamamayang apektado ng quarantine.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemyang dulot ng COVID-19 sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

SOURCE: KAMI

Loading...