Angel,Ibinunyag ang ginawa ni Megastar sa kanyang UniTentweStandPH Campaign.

Marami ang humahanga sa kagandahang loob ng aktres na si Angel Locsin dahil daw isa itong tunay na “Darna” o ibig sabihin nila ay isang tunay na hero ng bansa.

Sa bawat unos na kinakaharap ng bansa, mababalitaang nandyan palagi si Angel upang mag abot ng agarang tulong sa mga mamamayan, tulad ng mga nasalanta ng lindol, noong pag alburoto ng bulkang taal at hanggang ngayong may pandemic sa bansa.

Dahil sa mga ginagawa ni Angel, marami ang kapwa nya artista ang humahanga at sumusuporta rin sa kanyang mga ginagawa, tulad na lamang ni Megastar Sharon Cuneta.

Sabi ni Mega, ay sobrang proud umano siya sa ginagawang charitable works ni Angel, at lingid sa ating kaalaman ay mayroon pala silang pag-uusap ni Mega Star na tutulong ito sa mga frontliners sa pamamagitan ng #UniTentweStandPH campaign ni Angel.

Laking pasasalamat naman ni Angel kay Mega Star dahil sa kanyang malaking donasyon para tulungan ang mga medical frontliners ng bansa.

Ito ay nangyari ng may isang netizen na nagbigay pugay sa mga proyekto ni Angel at nag criticized sa ibang mga tumulong sa mga leftist.

Bilang pagsagot sa comment ng isang netizen sa instagram sabi ni Angel, “Ms. Sharon Cuneta donated a whopping 3 million pesos para makatulong kahit paano sa overcrowded hospital situation ngayon. Binigay niya ito ng kusa at ayaw ipaalam.”

Medyo nabigla lang daw si Angel ng sinabi nya ito at humingi din ng pang unawa kay Miss Sharon sa pagbahagi ng impormasyong ito sa publiko, sabay sabing,“just wanted to share my experience sa ‘yo kung gaano ka ka-charitable.”

Sinabi din ni Angel na nagdonate pa si Mega Star ng “2 12×24 tents at the Bureau of Correction New Bilibid Prison. Aside from the 12×24 tents, they are also able to donate sanitation tents with a misting machines and UV light.

Sa kanyang instagram account ay nag expressed ng gratitude si Mega Star kay Angel.”“Dearest Angel, You didn’t have to. But in truth, it’s sad that in times like these when we should all be coming together to help those in need, to those of us who do help, meron at meron ka pa ring maririnig na masasakit na salita.I know you were hurt for me kaya mo nai-post ito.”

Sa panahong po ito, mas mabuting magpasalamat tayo sa lahat ng tulong mula man sa artista o kaninong tao, dahil ang Panginoon lamang ang tanging may alam ng saloobin ng bawat isa. Saludo po ang lahat sa inyo.

Loading...