6-anyos, Nagsuot ng improvised na PPE para mabigyan ng Cake at Liham ang amang Pulis sa kanyang Kaarawan.

Sobrang nakakaantig ang larawang ipinost ng isang netizen na si Joly Marie Garces Masa mula sa Bacolod City, sa kanyang post makikita na ang kanyang anak ay nakasuot ng improvised personal protective equipment na mula sa plastic para lamang mabati ang isang sundalong ama sa kanyang kaarawan.

Ayon sa kanyang Ina, kinaya ng bata ang init ng suot nyang PPE para mabati lamang ang kanyang ama ng Happy Birthday.

Dala ang isang cake at ang liham na isinulat nito ay nilapitan nito ang ama na hindi man lang nayakap ang anak. Paglilinaw naman ni Masa, tumagal lamang ng tatlong minuto ang usapan ng mag-ama dahil na rin sa pag-iingat.

“Please stay at home, so that these frontliners can go home to their kids waiting every single day for them to arrive. “Please stay at home so that you can save the frontliners’ lives at stake. Please stay at home for the kids to hug their parents once again. Please stay at home because these frontliners missed their families so much,” anito.

Mabilis na nag-viral ang social media post na ito na larawan ng sakripisyo ng isang frontliner at pagmamahal ng isang musmos na walang kamalay-malay sa tunay na nagaganap. Kasalukuyang umiiral ang enhanced community quarantine sa bansa upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Marami na ring mga ganitong eksena ang lumalabas ngayon at sinusunod naman ng ilan para lang pansamantalang mayakap ang kanilang mga anak.

Malaking sakripisyo po ng mga frontliners pati na rin ang kanilang pamilya sa labang ito, kaya sana ay maisipan naman ng Publiko na makiisa sa hakbang ng Pamahalaan para mabilis matapos ang labang ito.

From Facebook Post:

I thought I can only see this scene on social media until today having this in front of me is so heartbreaking. I can’t contain my emotion as a parent seeing this. Ali endure the heat wearing this plastic, only to hug her daddy, greet him a happy birthday and give the letter she made last night just for him.

Please stay at home, so that these frontliners can go home to their kids waiting every single day for them to arrive. Please stay at home so that you can save the frontliners’ lives at stake. Please stay at home for the kids to hug their parents once again. Please stay at home because these frontliners missed their families so much.

You people don’t know how much their sacrifice is for us. Please help them by staying at home.

P.S. Please know that this is only few steps (not more than 10 steps) from our gate. Their convo only took less than 3minutes.

Loading...