Relief Goods, Itinapon ng Isang Lalaki dahil Isa lang ang Natanggap.

Dahil sa panukalang enhanced community quarantine ng gobyerno, inaasahan ang mga mamamayan na magkaisa para masugpo ang pagkalat ng virus.

Lahat ay dapat nasa kanya-kanyang tahanan at iisa lang ang bibigyan ng pahintulot na lumabas at bumili ng pangangailangan, kaya ang local na pamunuan ng bawat lugar ay magbibigay ng ayuda sa kanilang nasasakupan para malimitahan ang paglabas ng mga tao.

Trabaho, transportasyon at iba pang gawain ay pansamantalang itinigil sa loob ng halos isang buwan sa luzon at ibang probinsya.

Sa ngayon ay namamahagi na ng ayuda ang ibang local na opisyales, at isang eksena ang umagaw sa atensyon ng mga netizen, ito ay ang video na ibinahagi sa Duterte Today facebook page.

Ang nsabing video ay umani ng samu’t saring reaksyon at komento dahil sa isang lalaki na galit na galit at sinisisi ang local na pamahalaan dahil sa kanyang natanggap na ayuda o relief goods.

Isang bag lang daw ang natanggap na relief goods ng lalaki at ito pa ay kanyang itinapon dahil sa galit.

Tinanong naman sya ng taga LGU kung bakit sya nagagalit, at ang sagot nya” Bakit isa lang! Apat yung bahay ko dun” sabay turo kung saan sya nakatira. Ngunit kalmado namang kinausap ito ng taga LGU kahit na galit na galit si Tatay.

Ano po ba ang dapat na maging reaksyon sa panahong ito? Sana lahat po tayo ay magsakripisyo para bumalik na sa normal ang lahat.

SOURCE: FORBESTORIES

Loading...