Pinoy Frontliners, Gumagamit ng Improvised PPE gamit ang Garbage Bag dahil sa kakulangan ng Equipment.

Ang hirap sumabak sa digmaang hindi mo alam at nakikita ang iyong kalaban, buong mundo ay apektado sa naturang digmaang ito at ang naging kawawa ay ang ating kapwa tao na may sariling pamilya din pero sinasakripisyo ang kanilang kalusugan para labanan at matapos na ang pandemyang ito, ang ating mga frontliners mula BFP,PNP Doctors, Nurses at iba pa.

Bilang isang mamamayan, panawagan ng pamahalaan na tulungan nating labanan para ito ay mapagtagumpayan, manatili sa ating bawat tahanan.

Nakakalungkot na walang sapat na Personal Protective Equipment (PPE) ang ating mga frontliners na higit nila itong kailangan sa kanilang pakikipaglaban.

Katulad po ng mga nag viral na post sa social media ang mga nurses at doctors at iba pang personnel ng St. Jude Hospital sa Los Banos ay wala ng ibang choice dahil sa kakulangan ng equipment ay gumawa na lamang ng mga improvise safety gear para maingatan ang sarili na hindi madapuan ng virus.

Sa post ni Tes Depano, makikita na ang mga frontliners ay sumusuot na lamang ng mga plastic garbage bags sa buong katawan, para lang may proteksyon kapag nasa duty at kaharap ang mga infected na pasyente.

Kahit marami ang humanga sa kanilang ginawang resourcefulness, sila ay nananawagan ng tulong ng kahit sino na pwedeng makapagbigay ng tamang PPE para na rin sa kaligtasan nila.

Napakalungkot po nito pero ito ang realidad at sitwasyon ng iba nating frontliners sa pang araw-araw nilang pagsabak sa labang ito. Lahat tayo ay isa lang ang hiling na sana sa ating paggising ay wala ng sakit ang bawat isa sa atin.

Kaya bilang tulong po natin sa mga bayani ng ating bayan, magkaisa po tayo sa layunin ng pamahalaan. Para malutas ang pandemyang kinakaharap ng ating bayan.

SOURCE: TRENDSZILLA

Loading...