Kakaibang Beauty ni Miss Gloria Romero Noon at Ngayon ,Pinupuri sa Social Media.

Si Miss Gloria Romero ay isa sa pinakamagaling na aktres sa kanyang panahon. Marami na rin syang parangal at magagandang pelikula na ibinahagi sa madla.

Siya ngayon ay nasa 86 taong gulang na pero hindi pa rin kumukupas ang ganda at talento, gumaganap siya ngayon sa isang palabas sa GMA-7 na pinamagatang “Daig kayo ng Lola ko”, ang nasabing palabas ay kapupulutan ng aral ng mga batang manunuod dahil sa makabuluhang topiko¬† kanilang pinapalabas.

Si Gloria Romero din ay tinagurian bilang face of maternal roles. Sa ngayon, anim na dekada na siyang nagbibigay ng serbisyo sa industriya ng showbiz.

Nagsimula siyang sumabak sa industriya ng showbiz noong taong 1949, at naging extra sa palabas na ” Bahay sa Lumang Gulod” sa ilalim ng Premiere Productions.

Naging sunod-sunod na ang mga nasamahang proyekto ni Miss Gloria, lumipat naman siya sa Sampaguita Pictures, kung saan siya ay nabigyan ng pagkakataon na magbigyan ng role bilang isang anak ng mag-asawang sina Alicia Vergel at Cesar Ramirez sa palabas na Madame X noong 2952. Dito na rin siya nagsimulang gumawa ng pangalan bilang ‘Gloria Romero’.

Dahil nakitaan siya ng galing sa pag-arte, nabigyan muli ng pagkakataon si Gloria na gumanap sa palabas na ‘Monghita’ kung saan ito ang kauna-unahan niyang pagganap bilang lead role sa palabas.

Halos umabot na sa 200 mahigit na mga pelikula at palabas ang kanyang nagampanan, ng kanyang pinagdiwang ang kaniyang ika 59 na taon sa showbiz industry.

Taong 1955, natanggap naman ng actress ang kaniyang kauna-unahang award para sa pag-arte na Filipino Academy of Motion Arts and Sciences (FAMAS) as Best Actress dahil sa kaniyang pagganap sa pelikula na ‘Dalagang Ilocana’, Marami na rin siyang napanalunan na award katulad na Gawad Urian, Gawad Tanglaw, Golden Screen Awards, Luna Award, Metro Manila Film Festival, MTRCB Award, at PMPC Star Awards for Movies.

Sa ganitong edad marami pa rin ang pumupuri sa kagandahan ni Miss Gloria Romero. Di lang maganda ang panlabas pati na rin sa kalooban.

Nakapaskil na ang pangalan ni Miss Gloria Romero sa Philippine walk of fame sa Eastwood City sa Libis, maliban sa pagiging kauna-unahang nakatanggap ng award mula sa Movie and Television Review and Classification Board.

Loading...