Ina, Nagbabala Tungkol Sa Sikat Na Lotion Ng Makita Na Kaya Pala Nitong Tumunaw Ng Plastik

Sa panahon ngayon na maraming mga magulang ang gustong protektahan ang kanilang mga anak laban sa dengue na mula naman sa kagat ng mga lamok. Masyadong nakaka-alarma po ito dahil walang angkop na gamot para sa dengue, kaya prevention is better than cure.

Di naman sa lahat ng oras ay nakatutok ang mga magulang sa kanilang mga anak, lalo na kapag nasa Paaralan ito, kaya bilang isang hakbang para sila ay mailayo sa dengue pinapabaunan nila ito ng OFF Lotion.

Ang OFF lotion ay ginawa upang proteksyon umano sa lamok, para hindi dapuan ang sinumang maka pahid nito sa kanilang mga balat, ngunit isang netizen ang may nadiskubre tungkol sa Off lotion.

Isang netizen na si Roszela Reigan ay nagbahagi ng kaniyang naging karanasan sa Off Lotion. Kinwento niya na inilagay niya ang off lotion na bukas at ang kaniyang landline phone sa kaniyang bag dahil na rin sa pagmamadali.

Ngunit, hindi niya napansin na kumalat na ang off lotion sa landline phone. Pagbabahagi niya pa, nagulat siya ng makita na ang plastic ng kaniyang phone ay tunaw na kinabukasan dahil nakaligtaan niyang tanggalin ang off lotion sa kaniyang phone.

Dahil sa nangyari, nagkaroon ng konklusyon si Reigan na kung ang off lotion ay naiiwan sa ating balat sa loob ng buong magdamag, kahit hindi man natin ito nakikita na nakakatunaw ng balat sa labas, maaari itong makaiwan ng hindi magandang epekto sa loob ng balat ng tao.

Sinabi niya sa dulo ng kaniyang post na mas mabuting gumamit ng organic at safe insect repellant sa ating balat dahil ang paggamit ng off lotion ay maaaring makapagpahamak sa loob ng ating katawan.

Dahil sa kanyang ibinahagi marami naman ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat dahil sa ibinahagi niyang karanasan habang ang iba sa kanila ay nagulat at natakot nang malaman ang nangyari sa pagkatunaw ng landline phone ni Reigan.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Omg!!!! Nakakatunaw ng phone?!?!”

“Thanks for this ma’am. Good, I shifted to human nature already.”

Narito ang kabuuan ng post ni Roszela Reigan:

“Okay, alam ko na ang OFF Lotion e para sa skin ng tao. Kagabi, sa pagmamadali, nilagay ko landline phone and bukas na off lotion sa bag kasi me pupuntahan. Pagbalik ng haus, off lotion e kumalat sa landline phone.

Hindi ko pala natanggal ang off lotion sa phone and naiwan overnight. Pagkita ko this morning.. tunaw ang plastic ng phone.

Hmmnn.. e ang lotion na to e naiiwan laging overnight sa skin ko at ng mga kids ko.. Kung di man natutunaw ang skin, malamang sa malamang me hindi magandang effect ito internally sa balat ng tao. Kaya pala iwas lamok… ayaw nilang matoxic!

Kailangan na talaga ng organic and safe for the skin na insect repellant.”

Loading...