I-REPORT: Mga Epal na Kapitan,na Namimili lang ng Bibigyan ng Relief Goods i-report ayon sa DILG.

Nagdeklara si Pangulong Duterte ng State of Calamity sa loob ng anim na buwan sa bansa noong Marso 18, 2020. Dahil dito ay pwedeng gamitin ng mga local units ang emergency budget para tugunan ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan.

Dahil sa hinaharap na pandemya kaugnay sa Covid-19 ang Luzon at iba pang Probinsya ay ipinasailalim sa enhanced community quarantine bilang isang precautionary measure at masugpo ang mabilis na pagkalat ng virus.

Dapat ang bawat Brgy. ay magbibigay ng ayuda sa mga nasasakupan nya, ngunit hanggang ngayon marami paring mga reklamo sa social media ang iyong mababasa na di umanoy wala silang natanggap sa kanilang mga Brgy. Kapitan.

Ilan sa mga kapitan naman ay namimili daw ng kanilang pagbibigyan, at naghahanap pa ng voters ID.

Agad na hinikayat ni DILG Secretary Eduardo Año na isumbong sa kanila ang mga nasabing kapitan at aaksyunan nila ang mga ito.

“Yang ang tinatawag nating mga epal na mga barangay captain. I-report niyo sa amin anong pangalan, anong barangay at aaksyunan natin iyan “

Nilinaw dinng DILG na hindi kailangan na magpakita ng voter’s ID para pagkalooban ang isang indibiduwal ng relief goods.

Kaya kung kayo ay may na engkwentro na ganitong uri ng problema ay e-report sa mga nabanggit na numero.

Loading...