‘Hi mga ka-hotdog!’: Grade 1 Student na nag-vlog sa Selpon ng Teacher na Naiwan, kinaaliwan

Kinaaaliwan sa social media ngayon ang isang 8 taong gulang na sa Maicaella Conag na kunwari nag ba-vlog gamit pa umano ang cellphone ng guro nito.

“Hi mga ka-hotdog! Nandito po tayo sa YouTube channel,” bungad ni Micaella, isang goodvibes naman ang hatid nito sa mga manunuod at sa kanyang mga kaklase, na bilang isang Grade 1 student ay may talent na ito sa vlogging.

Nakangiti naman at kumakaway ang kanyang mga kaklase na talagang inenjoy ang cellphone na naiwan ng guro.

Ibinahagi ni Mica Mojica, teacher sa Southville Elementary School, ang naturang video sa Facebook nitong Martes.

Kuwento ng guro, naiwan niya ang cellphone noong ipinatawag sila sa maikling meeting, at dahil walang password, madali itong nabuksan ng bata.

“Hindi ko kayang itago lang ito. Sino po ba ang ka-hotdog ng batang ito?” sabi ni Mojica sa post.

“Lesson learned: Don’t leave your things and students unattended,” natatawa niyang dagdag.

Kahit ginamit nang walang paalam ang cellphone ni teacher, nag-iwan naman si Micaella ng nakakaantig na pasasalamat sa mga guro.

Sa ngayon, umabot na sa higit 550,000 views at 20,000 shares ang aliw na video ng estudyante.

Loading...