Dahil sa Hindi Pagtanggal ng Contact Lens Sa Pagtulog,Babae, Nasira ang Mukha.

Itinampok ang kwento ni Richelle sa Kapuso mo Jessica Soho noong nakaraang linggo dahil sa paggamit umano ng contact lens kaya nagka deperensya ang kanyang mata.

Kadalasan sa mga kabataan ngayon ay sumusuot ng contact lens kahit walang deperensya sa paningin, ngunit bilang fashion at maganda tingnan na babagay naman sa kanilang itsura, kadalasan sa mga lenses na ito ay mabibili mo lang sa online.

Hindi alam ng iba ang mga dapat at di dapat gawin kapag gumagamit ng contact lenses, tulad ng kapag hindi mo ito natanggal kapag matutulog ka ay maging sanhi ito ng di magandang resulta sa mata at worst pati sa mukha.

Katulad ng karanasan ni Richelle na itinampok sa KMJS, ang hindi nya pagtanggal daw ng contact lense bago matulog ay nagdulot ng malaking problema sa kanyang mukha.

Ayun pa sa kanya,

“Maganda kasing tingnan kapag may contact lens. Nakakalaki kasi ng mata. Lagi ko siya sinusuot noon, kasi parang hindi na ako maganda tingnan kapag walang contact lens.”

 

Yun ang naging dahilan kung bakit paggising nya ng isang umaga ay namamaga na ang kanyang mga mata.

Di kalaunan, ay lumalala ito at parang lumaki ng lumaki ang kayanang kaliwang mata.

Paalala palagi ng mga doktor na mas mabuting alisin ang contact lenses bagi matulog para ma iwasan ang iritasyon sa mata. Magsilbing aral naman sana ito sa mga mahilig gumamit ng lenses.

Loading...