Couple, Nagpakasal Habang Nakabitin Sa Bundok, Buong Entourage Naglambitin Din

Ang kasal ay minsan lang mangyayari sa buhay ng taong tunay na nagmamahal, kaya isa itong malaking selebrasyon ng buong angkan, isang di makakalimutang araw at pagdiriwang.

Kaya kakaiba ang naging set-up ng kasalang ito, talaga ngang di mo kayang kalimutan, ang magkarelasyon ay nagmula sa Hainan Province sa China, sila ay nagpakasal habang naka sabit sa 100 metrong talampas ng Chaya Mountain noong Nobyembre 11, 2017.

Kakaibang kasalan nga ito dahil yung iba ay ginaganap karamihan sa Church, sa beach yung iba ay nasa ere, sa under water at sa mga bulubunduking lugar.

Ayon pa sa how to care:

Ang talampas ay ang tagpuan ng sikat na action adventure show na “Journey to the West” na ini-remake noong 1970s na “Money”.

 

Ang mga umakyat ay siyang tumulong sa dalawa upang makaakyat sa talampas, bihis ang kanilang sarili bilang mga karakter ng show bilang pagbibigay na din ng mga pagpapala sa bagong kasal.

Ang mag-asawa ay piniling ganapin ang kanilang kasal sa saktong araw ng Singles Day, ang araw kung saan ang mga single sa China ay mayroong selebrasyon para sa hindi pagkakaroon ng kanilang kabiyak o kapareha.

Kahit na ang napili nilang lugar para sa kanilang kasal ay hindi ganoong kaengrande katulad ng marami, pinatunayan pa din nila na ang mountain cliff ay maaaring magandang lugar na maaaring pag ganapan ng kasal.

 

Ang bride, sa kabilang banda, ay mas pinili ang kaniyang kaligtasan dahil siya ay umaakyat at mayroong suot na climbing shoes at wala siyang suot na belo.

Kaya siguradong mamumuhay sila ng may pagmamahal sa isa’t isa dahil sa napatunayan nilang kaya nilang harapin ang hirap para sa kanilang pag-iisang dibdib.Tila isa itong mensaheĀ  ng pagmamahal at huwag bumitaw sa isa’t isa, kumapit ng mahigpit sa kanilang magiging pagsasama katulad ng hindi nila pagbitaw at paghawak sa isa’t isa sa talampas.

Loading...