Tubig Na Tila Dugo, Umagos Mula Sa Ilalim Ng Lupa Ng Turkey Matapos Lumindol

Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa Elazig, Turkey.

Habang tinatayang nasa 30 iba pa ang na-trap sa mga bumagsak na istraktura at mahigit 500 ang nasugatan.

 

Ayon kay Turkey Health Minister Fahrettin Koca, dalawa sa nasawi ang inatake sa puso sa kasagsagan ng lindol.

Naitala ang epicenter ng lindol sa bayan ng Sivrice sa probinsiya ng Elazig at may lalim na 6.7 kilometers.

Sinundan pa ito ng mga malalakas na aftershocks na sumusukat ng magnitude 5.4 at 5.1.

Pagkatapos nangwasak ang nasabing lindol, may isang video clip na mabilis na kumalat online na ibinahagi ng Daily Star, makikita sa video ang pagdaloy ng tubig na tila dugo matapos mabiyak ng lupa dulot ng malakas na lindol.

Ini-upload ang naturang video ng isang socila media page na Extreme Weather World 24 na may caption na “TURKEY – Magnitude 6.8, red water from the ground after the earthquake.”

Hindi naman binigyang pansin at ibang ibig sabihin ang nangyaring pag iba ng kulay ng tubig dahil sabi ng mga taga ruon na posibleng ang pinagmulan nito ay ang pangkulay na nahalo sa tubig mula sa mga water supplies upang makatulong sa mabilisang pagtuklas ng mga tagas.

Dahil may ibat-ibang kulay pa daw na inihalo ang mga technician tulad ng kulay nerde at dilaw. Sa iba naman, naniniwla silang isang senyales umano ito mula sa nakatala sa Bokk of Revelation,Chapter 16 na dito nagsimula ang hakbang sa paggunaw ng mundo.

Kung ano man ang ibig sabihin ng kulay na ito, naway mapukaw nag damdamin ng bawat tao sa buong mundo, na bigyang pansin at halaga ang ating kapaligiran, dahil ang mga phenomenon na nangyayari ngayon ay bunga lamang ng gawa ng tao noon at ngayon.

TURKEY – M6.8 red water off the ground after the earthquake

Posted by Extreme Weather World 24 on Thursday, January 30, 2020

 

Loading...