Nakakamanghang Rainbow Tree, Matatagpuan sa Pilipinas.

Alam nyu ba na ang puno ng kahoy ay hindi lamang kulay brown, kundi pwede itong magkaroon ng sari’t saring kulay, ang panlabas ng kahoy ay pwedeng mag exhibit ng maraming shades na magpapa wow sa mga manunuod.

At ang punong kahoy na ito na may maraming kulay ay magbibigay sayo ng ideya kung bakit kailangang alagaan ang ating kapaligiran. Ang pangalan ng kahoy ay Rainbow Eucalyptus, ang tanim na ito ay nagpapakita ng kakaibang kulay katulad ng rainbow.

Ayon pa sa Inquirer:

Elite Readers reports that this kind of eucalyptus tree can reportedly grow fast–extending up to five feet every season and reaching “250 feet tall with a diameter of 6 feet.” It also requires a lot of sun exposure with a temperature not lower than 50 F. (10 C.). So, if you’re living in a cold place, the tree may not be able to survive but if it’s still in its early phases, then it is recommended that you put the plant indoors inside a garden container with proper drainage.

Saan nga ba ito makikita?

SEE ALSO:

OFW,NINAKAWAN NG 200,000 SA ATM SCAM.
10 BAGAY NA HINDI DAPAT E POST SA FACEBOOK,BILANG PAG-IINGAT
TUBIG,DELIKADONG IWAN SA LOOB NG SASAKYAN

Ang punong ito ay mas kadalasang makikita sa Papua New Guinea, Indonesia, at sa Pilipinas.

Sa Pilipinas, ang kahoy na ito ay tinatawag na “Bagras” at makikita sa kagubatan ng Mindanao.

Ayon sa forester na si Dr. Manuel Castillo, matatagpuan ang punong ito sa Papua New Guinea, Indonesia at maging sa Pilipinas. Karamihan umano sa mga punong ito ay matatagpuan sa Mindanao, kung saan mas kilala ito sa tawag na bagras.

May ilan ring rainbow tree na matatagpuan sa Laguna, katulad na lamang ng isang matatagpuan malapit sa Forest Science Building sa loob ng University of the Philippines Los Baños.

“Ang tunay talagang kulay nito ay green sa umpisa, and through the years o periodically nagshe-shed off siya ng kaniyang balat, ‘yung matandang balat para pumalit ang balat. Now ‘yung balat niya, nagkakaroon or nagshe-shed kapag tumatanda na magkakaroon ng iba’t ibang kulay dahil doon sa mga pigment na presence sa bark. Meron siyang kulay na gray, may orange maroon brown at eventually ‘pag natanggal na lahat ng balat, kulay berde ulit siya,” paliwanag ni Castillo.

Mayroon ring nakatanim na bagras sa bayan ng Bay, malapit sa munisipyo at simbahan. Ayon sa marker, 1975 pa naitanim ang puno.

 

Loading...