Malunggay, Makakatulong Labanan ang Coronavirus Ayon sa DOH.

Sa talaan ng DOH tatlo na ang nagpositibo sa Pilipinas na mayroong nCoV, isang 60 anyos na Chinese ang huling naitala. Kaya mas lalong na a-alarma ang publiko dahil sa padami ng padami ng kaso sa bansa.

Ngunit nagbigay naman ng paalala ang DOH na sundin ang mga tips para maiwasang mahawaan ng naturang virus, maliit na porsyento ng fatality rate ang mga na infect ng nasabing virus at marami na rin ang naka recover sa sakit na ito.

Kaya payo ni Sec. Francisco Duque sa publiko ay ugaliin na kumain ng mga pagkain na mayayaman sa Vitamins, A, C, E, at mineral zinc. Sinabi din niya na mas mabuti din ang pag-inom ng katas ng prutas at pagkain ng malunggay.

Napag-alaman na ang malunggay ay isa sa mga gulay na nagbibigay ng sustansya sa katawan ng tao para lubusang maging malusog at mapanatiling masigla ang immune system.

Kaya naman ang pagkain o paglalagay ng malunggay sa soup o kahit saang uri ng pagkain ay maaaring panlaban sa coronavirus dahil sa mga vitamins na mayroon ito na kailangan ng bawat isa sa atin.

Pinaiiwas naman ang publiko sa pagkain ng mga exotic foods, kilawin at mga hindi lubusang luto na mga pagkain, mas mainam daw na ma prevent ito bago pa lumala.

Umiwas din daw muna sa mga mataong lugar, mas mabuting nasa bahay na lamang kapag walang importanting pupuntahan, wag mag beso-beso sa panahong ito at uminom ng maraming tubig.

SOURCE: PINOY TRENDING PORTAL

Loading...