Isang Ina, Nagbigay Babala sa Sakit na Maaaring Makuha Ng Mga Bata Mula Sa Mall Playground

Likas sa mga magulang ang inu-una ang kalusugan ng kanilang mga anak, ngunit kahit ano mang bantay ang gawin nila ay di pa rin masisiguradong mailayo sila sa mga sakit.

Minsan ay kailangan din nilang lumabas at makihalubilo sa ibang kabataan bilang isang hakbang upang mapaunlad ang kanilang sarili sa pakikipagkapwa tao.

Ngunit di natin alam na sa mga lugar pala na iyon ay dun magsisimula ang mga sakit na di naman alintana ng mga magulang.

Tulad nalang sa nangyari sa baby boy ni Mommy Madelyn, pagkatapos daw maglaro ng kanyang anak sa isang playground sa mall, namataan nyang nanamlay at tinutubuan ng butlig at mga sugat sa kanyang katawan.

Napag-alaman na isa pala itong hand and foot mouth disease. Ang sakit na ito ay wala pa ding lunas hanggang ngayon. Anu-ano ba ang mga sintomas na ganyang naturang sakit?

Unang sintomas:
*Lagnat
*Walang ganang kumain
*Sore Throat
*Masama ang pakiramdam

 

Kasunod na sintomas:

*Masasakit na singaw o ulcers sa bibig, lalamunan at dila
*Rashes o paltos sa mga palad, talampakan o pwet
*Pagsusuka at pagtatae

Paano ito maiiwasan?

1.Palaging maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon. Gawin ito lalo na kung galing sa banyo, matataong lugar, matapos magpalit ng diaper at bago kumain.

2. Linisan o i-disinfect ang lugar at mga gamit na karaniwang hinahawakan o nilalaruan ng bata.

3. Turuan ng tamang pangangalagang pangkalusugan ang bata at turuan kung bakit hindi dapat isubo ang kamay at bagay na kanyang nahahawakan.

4. Lumayo muna sa mga batang may hfmd at huwag gamitin ang mga kubyertos na kanilang ginamit.

 

Loading...