Isa ka din ba sa mga Batang 90’s? No Internet, Pero Sobrang Saya.

CHECK THIS FIRST:

Kakaibang Childhood experience ang pinagmamalaki ng mga batang 90’s sa ngayon dahil kung ikukumpara ang buhay ng mga kabataan ngayon,masyadong malaki ang pinagkaiba.

Halos lahat ng mga kabataan ngayon ay nakatutok na sa kanilang mga cellphone, laptop,tablet at iba pang mga gadgets, mga kahit na nasa edad na 10 months ay exposed na rin sa ganitong mga gadgets.

May malaking tulong naman ang mga ito, tulad ng mas naging advance ang mga kabataan at nadaragdagan ang kanilang kaalaman kahit na nasa murang edad pa lamang. Ginagamit naman ng mga estudyante sa kanilang mga takdang aralin upang hindi na mahirapan pang mag halungkat ng malalaking diksyunaryo sa silid aralan.

Pero ang sobrang paggamit nito ay may kaakibat din na masamang resulta sa katawan, isa na dito ay ang panlalabo ng mata sa murang edad, nagiging mahiyain at hindi nakikipaghalubilo sa ibang kabataan, may mga natutunan ding hindi maganda base sa mga pinapanuod nila.

Kaya bilang pagbabalik tanaw sa nakaraan, marami talaga ang nagsasabing walang kapantay na saya ang kanilang nadarama noong kabataan nila, kaya patok na patok sa social media ang mga larawang nagpapabalik tanaw sa nakaraan.

Ilan sa mga larawang ito ay ang mga grupo ng kabataang masayang naglalaro sa damuhan,mayroong physical inter-aksyon at kahit pa ikaw ay masaktan, balewala lang basta’t hindi mapansin ang iyong sugat ng iyong mga magulang. May mga masayang nagtatampisaw tuwing umuulan, isa rin yun sa mga ala-alang tumatak sa bawat 90’s na kabataan.

Kay sayang pagmasdan ang mga litrato ng nakaraan. Ikaw, ano ang memorable moment mo nung kabataan mo?

Loading...